QR code: Kasaysayan ng mahusay na imbensyon

Usong-uso ang paggamit ng QR code kahit hindi tungkol sa mga transaksyon o bayarin.

Alam ninyo ba kung ano, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng QR code?

Ang QR or quick response code ay isang uri ng two-dimensional (2D) bar code upang makapagbigay ng access nang madalian sa online information sa pamamagitan ng digital camera. Ang digital camera na ito ay nasa digital device tulad ng 2D barcode scanners, smartphones, o tablets.

QR code history

The history of QR code dates back to 1994 nang una itong ma-develop ng Denso Wave at ng kanilang lead developer na si Masahiro Hara. Ngunit bago ang imbensyon ay naunang nagkaroon ng barcode o ang one-dimensional Universal Product Code na kalaunan ay hindi na naging fit sa modernong pamumuhay.

Si Masahiro Hara at ang kanyang imbensyong QR code.

Isang Japanese company ang Denso Wave, a division of Denso, which is a subsidiary of the automobile company Toyota Motor Corporation.

Noong panahon na iyon ay naglalaro si Hara ng Go na naging daan din para sa imbensyon ng QR code. In case you are unfamiliar with the game of Go, ito ay ang 19-by-19 grid including black and white stones arranged randomly – na sa isang tingin ay halos katulad ng QR code.

Ang board game na Go. Ang pandalawahang larong ito ay isa sa pinakamatandang laro sa mundo.

Kinailangan ng kompanya na mahanap ang spare parts sa pagma-manufacture at ang QR code ay naging daan sa pag-i-store ng mas maraming data kumpara sa nakaugaliang bar codes. Ginagamit lamang ang QR noon sa inventory management and logistics.

Hara came to the realization that a grid system could read from many angles, directions, and distances and hold a lot more information in a single code.

Denso Wave made QR code technology publicly available – walang bayad – while selling the scanner technology needed to read them, which was a calculated move. Kahit pa na-predict ni Hara at ng Denso Wave na magagamit ang QR codes sa industrial context, hindi nila inakala na magiging popular ito sa small enterprises at pangkaraniwang mga tao.

Sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng camera sa smartphones, naging madali ang pagbabasa ng QR codes.

 

First phone with QR code scanner

Ang Sharp ang nag-introduce ng unang teleponong may QR code scanner o reader noong August 2002, dahilan para sumunod na rin ang ibang brands sa kanila. Ang teleponong J-SH09 na gawa ng Sharp ay para sa Japanese mobile operator J-Phone.

Ang QR codes ay may ability na maka-store ng maraming data in a compact, square-shaped format. Square ang QR code dahil ito ang easily distinguishable shape ayon sa Denso Wave.

In recent years, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19, the widespread adoption of smartphones equipped with QR code scanning capabilities has led to a surge in their usage. Sa QR codes ay higit na nagagamit ito sa ticketing, product authentication, and contactless payments.

 

Ano ang bar code o UPC?

Bago pa magkaroon ng QR code ay nagkaroon muna ng Universal Product Code (UPC) o black and white stripes. It was was created as a solution to a commercial need that the US supermarket sector first recognized in the early 1970s.

Bar code

Ang bawat UPC ay mayroong unique 12-digit code na nagrerepresenta sa specific product information, gaya ng manufacturer, item number, at nagtse-check sa digit for error detection. Ang paggamit sa UPC ay naging epektibo ngunit nagkaroon ng problema noong magsimula nang mas gumanda pa ang takbo ng technology (2000s to 2010s). Dito nagkaroon ng limited amounts of information ang UPC. Additionally, ang presyo ng UPC scanning equipment ay naging hadlang sa average individual from using it o hindi na naging praktikal.

Nagkaroon ng commercial appearance noon ang UPC at ang unang brand na nagkaroon ng barcode ay ang Wrigley’s juicy fruit gum para sa 10-pack (50 sticks) nito. This was recorded and purchased at the Marsh supermarket in Troy, Ohio, at 8:01 a.m. noong 26 June 1974.