QCinema 2026 mapapanood na sa Nob. 13–22

Magbabalik ang QCinema International Film Festival para sa ika-14 na edisyon nito na gaganapin mula Nobyembre 13 hanggang 22. Tampok dito ang malawak na klase ng mga pelikula mula sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo sa ilalim ng temang “Genre’teurs”—isang konsepto na nag-uugnay sa genre filmmaking at auteur cinema. Patuloy ring ipinagdiriwang ng okasyon ang pagkilala sa Lungsod Quezon bilang isa sa dalawa lamang na lungsod sa Timog-Silangang Asya na ginawaran ng pambihirang parangal bilang UNESCO Creative City of Film.

Pangungunahan ang lineup ngayong taon ng world premiere ng Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw (Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko), ang inaabangang animated feature na idinirek ni Mervin Malonzo. Ang nasabing pelikula ang magbubukas sa festival dala ang natatanging pananaw ng Pilipino ukol sa kababalaghan, katotohanang panlipunan, at mga halimaw na nananahan sa lipunan.

Hango sa sikat na komiks ni Julius Villanueva, sinusundan ng pelikula ang buhay ng 12-taong-gulang na si Ella (na bosesan ni Bianca Umali), isang batang mambabarang na lumalaban sa mga masasamang espiritu kasabay ng pagharap sa karahasan at pang-aabuso sa kapangyarihan sa gitna ng giyera laban sa droga. Ang prestihiyosong proyektong ito ay pinarangalan din ng P1.5-milyong QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong taong 2023.

Magsisilbi closing film ng festival ang Look Back, ang live-action adaptation ng sikat na manga ni Tatsuki Fujimoto na idinirek ng batikang Japanese director na si Hirokazu Kore-eda. Sa pagbibida nina Natsuki Deguchi bilang Fujino at Aju Makita bilang Kyomoto, tinututukan nito ang kuwento ng dalawang batang alagad ng sining na pinatibay ng pagnanasa sa pagguhit at pagkakaibigan. Bago ito, naitampok na at nagwagi rin ng limang collateral awards ang pelikula sa ika-83 Venice International Film Festival.

 

Competition Sections

Nangunguna sa Genre’teurs ng QCinema 2026 ang mga seksyon ng kompetisyon nito na nagtatampok ng mga bagong direktor sa Asya, mga matatapang na unang dalawang pelikula, kuwentong LGBTQIA+, at mga makabagong maikling pelikula mula sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya.

Tampok sa Asian Next Wave, ang pangunahing kompetisyon ng festival, ang mga sumusunod na pelikula:

  1. 9 Temples to Heaven (Direktor: Sompot Chidgasornpongse | Thailand, Norway, France, Singapore, China, Hong Kong, Indonesia, Qatar) – Bago sumakabilang-buhay ang kanyang ina ayon sa hula, naglakbay ang isang negosyante sa siyam na templo; lumahok sa Directors’ Fortnight sa Cannes at opisyal na lahok ng Thailand sa 99th Academy Awards.
  2. A Girl Unknown (Direktor: Zou Jing | China, France) – Drama ukol sa pagdadalaga at paulit-ulit na pagpapanibagong-buhay ng isang kabataan; nag-uwi ng FIPRESCI Prize at Gan Foundation Award sa Critics’ Week ng Cannes Film Festival.
  3. Fujiko (Direktor: Taichi Kimura | Japan) – Pagsasalaysay sa laban ng isang solong ina laban sa pamantayan ng lipunan noong dekada ’70; nagwagi ng Golden Mulberry Audience Award sa Udine at Nippon Cinema Award sa Germany.
  4. Fruit Gathering (Direktor: Aung Phyoe | Myanmar, Czechia, France) – Kuwentong queer tungkol sa paghahanap ng direksyon sa buhay ng isang manggagawa sa pabrika; nasungkit ang Crystal Globe Grand Prix sa Karlovy Vary International Film Festival.
  5. Hearing (Direktor: Lê Bảo | Vietnam, Singapore, Norway, France, Indonesia, Saudi Arabia, Cambodia, Thailand, Taiwan) – Isang matapat na pagsilip sa katahimikan at distansya sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya; napili para sa International Competition sa Locarno Film Festival.
  6. The Burning Giants (Direktor: Phuttiphong Aroonpheng | Thailand, France, Singapore, Netherlands) – Pagsasanib ng realidad at pantasya upang talakayin ang mga usaping panlipunan; unang ipinalabas sa Orizzonti section ng Venice International Film Festival matapos mapili sa 2023 QCinema Project Market.
  7. The World Before (Direktor: Yoon Da-bi | South Korea) – Pagsusuri sa mga alinlangan at emosyon ng kabataan sa isang tahimik na isla; pinarangalan ng Special Mention sa San Sebastián International Film Festival.
  8. Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw – Isang animated fantasy-horror na pelikula na kumukumpleto sa opisyal na talaan ng Asian Next Wave competition.

Tampok sa New Horizons ang mga bagong pananaw at kakaibang gawa ng mga namumukod-tanging direktor. Narito ang mga pelikulang kabilang sa kompetisyon ngayong taon:

  1. Angh (Theja Rio, India) – Nagwagi ng Platform Prize sa Toronto International Film Festival (TIFF). Isang dula ng kasaysayan sa Nagaland noong dekada ’60, kung saan nasubok ang pamumuhay at tradisyon ng isang pamilyang Konyak sa pagdating ng isang misyonerong Kristiyano.
  2. Baby Jackfruit, Baby Guava (Nông Nhật Quang, Vietnam, South Korea) – Nagwagi ng Special Jury Award sa Burning Lights Competition ng Visions du Réel 2026. Isang personal na dokumentaryo na sumusuri sa pamilya, sekswalidad, neurodivergence, at mga katahimikang humuhubog sa ugnayan ng tao.
  3. Beach Fictions (Lim Ha-yeon, South Korea) – Umapak sa New Currents section ng Busan International Film Festival (BIFF) at nakatanggap ng Special Mention mula sa hurado. Isang kwento ng pagdalaga na nakatuon sa karanasan ng isang batang babae sa pag-ibig at mga nakakasalamuhang dayuhan sa isang baybaying bayan.
  4. Furies (Rami Kodeih, Lebanon, Brazil) – Opisyal na kalahok ng Lebanon para sa Best International Feature Film sa 99th Academy Awards. Isang crime thriller na naganap sa gitna ng krisis sa ekonomiya ng Lebanon, matapos itanghal sa Venice International Film Festival at TIFF.
  5. La Gradiva (Marine Atlan, France, Italy) – Nakamit ang AMI Paris Grand Prize sa 2026 Cannes Critics’ Week, kasama ang nominasyon sa Caméra d’Or at Queer Palm. Isang dula ng pagdadalaga at pagbibinata na tumatalakay sa mga pagbabagong pinagdaraanan ng kabataan.
  6. Sad Girlz (Fernanda Tovar, Mexico, Spain, France) – Nagwagi ng Crystal Bear for Best Film at International Jury Grand Prix sa Generation 14plus section ng Berlin International Film Festival (Berlinale). Isang kwento ukol sa epekto ng sekswal na pang-aabuso sa pagkakaibigan ng mga kabataan.
  7. The Color of the Sun (Xavier Tera, Canada, Italy, Japan) – Nakatanggap ng FIPRESCI Prize matapos ang debut sa Orizzonti section ng Venice International Film Festival. Isang drama sa Okinawa kung saan ang pagdating ng isang Amerikanong kabataan ay nagdala ng kultural na tunggalian sa grupo ng magkakaibigan.
  8. We Are Aliens (Kohei Kadowaki, Japan, France) – Umapak sa Directors’ Fortnight sa Cannes Film Festival bago pumasok sa opisyal na kompetisyon sa Annecy International Animation Film Festival. Isang animated drama na tumatalakay sa pagkakaibigan sa kabataan at sa matagalang epekto ng maliliit na kaganapan sa buhay.

Ipinakikilala ng RainbowQC, ang seksyong LGBTQIA+ ng QCinema, ang mga pelikulang sumusuri sa identidad, relasyon, at pagtanggap sa iba’t ibang kultura:

  1. Big Little Things (Michelle Zhou | Hong Kong, USA) – Isang pamilyang drama tungkol sa babaeng nagpasama sa kaibigang lalaki upang magpanggap na kasintahan at maitago ang totoong relasyon sa kanyang girlfriend mula sa pamilya. Itinampok ito sa Orizzonti section ng 2026 Venice International Film Festival.
  2. Flesh and Fuel (Pierre le Gall | France, Poland) – Isang romantikong drama ukol sa dalawang drayber ng trak na nakabuo ng ‘di inaasahang ugnayan sa gitna ng hamon ng kanilang trabaho. Nagwagi ito ng Queer Palm Revelation prize sa 2026 Cannes Film Festival.
  3. I Rarely Wake Up Dreaming (Isabelle Stever | Germany, Ukraine) – Isang queer war drama na naglalahad sa pagbabagong-buhay ng isang trans man sa gitna ng digmaan sa Ukraine. Nasungkit nito ang Environmental Awareness Award sa 79th Locarno Film Festival.
  4. Jim Queen (Marco Nguyen at Nicolas Athané | France, Belgium) – Isang animated satire kung saan nanganib maging straight ang mga bakla sa Paris dahil sa isang misteryosong sakit. Umani ito ng Silver Audience Award sa Fantasia International Film Festival matapos mag-premiere sa Cannes.
  5. Little Trouble Girls (Urška Djukić | Croatia, Slovenia, Serbia, Italy) – Isang coming-of-age drama ng isang mahiyain at Katolikong estudyante na natuklasan ang sariling pagnanasa sa kanyang paglalakbay sa Italy. Pambato ito ng Slovenia sa 98th Academy Awards at nagwagi ng FIPRESCI Jury Award sa Berlin.
  6. Lovers in the Blue Night (Anuparna Roy | India) – Isang relationship drama tungkol sa apat na taong naghahanap ng kalinga at ugnayan sa lungsod ng Mumbai. Nagwagi ito ng NETPAC Award sa 83rd Venice International Film Festival.
  7. Teenage Sex and Death at Camp Miasma (Jane Schoenbrun | Canada, USA, UK) – Isang horror film tungkol sa direktor na nakatuklas ng kababalaghan habang naghahanap ng artista sa isang abandonadong kampo. Pambungad na pelikula ito sa Un Certain Regard ng 79th Cannes Film Festival kung saan nagwagi ito ng Queer Palm.

Mas pinaigting ng QCinema ang kompetisyon sa maikling pelikula sa QCShorts International, kung saan itinatampok ang limang grantee ng festival kasama ang ilang tanyag na pampelikulang boses mula sa Timog-Silangang Asya. Hahatiin sa apat na programa ang kompetisyon upang maglahad ng iba’t ibang tema at estilo sa paggawa ng pelikula.

Program 1: At Night We Lead Different Lives, na tumatalakay sa magkaibang buhay ng tao sa gitna ng mga transaksyonal na relasyon gamit ang mga elemento ng magical realism, horror, fantasya, at pambansang alegorya.

  1. And If Thuy Didn’t Exist (Carlo Francisco Manatad | Philippines, France, Indonesia) – Sinusundan nito ang isang undocumented immigrant na nakikipagsapalaran sa bagong bansa sa pamamagitan ng mga kakaibang trabaho at nagsasalitang telepono habang naghahanap ng koneksyon. Nagkamit ito ng Special Mention sa Locarno Film Festival at pinarangalang Best Live Action Short Film sa Tirana International Film Festival.
  2. Body Works (Maki Makilan | Philippines) – Kuwento ng isang tinanggal na dishwasher na pumasok sa isang paid romance upang mabuhay, ngunit natuklasang higit pa sa simpleng transaksyon ang hinihingi ng pag-ibig. Isa ito sa mga nakatanggap ng QCShorts grant.
  3. Is This Desire? (Apa Agbayani | Philippines, USA) – Isang arkitekto na nagsusuri sa isang lumang mansyon sa kabundukan ang muling binabagabag ng dalawang misteryosong estranghero. Nagsimula ang pandaigdigang pagpapalabas nito sa Fantastic Fest, ang pinakamalaking genre film festival sa US.
  4. She Said (Ivan Tan | Singapore) – Nagsalaysay si Ling tungkol sa kanyang nakaraan bilang isang scam caller matapos siyang alukin ng kasal ng kasintahan, kung saan nabuksan ang isang nakakapangilabot na pag-amin na nagpapasalimuot sa katotohanan at alegorya. Ipinalabas ito sa Busan International Film Festival at nominado para sa Best Live Action Short sa 63rd Golden Horse Awards.
  5. Through the Cracks (Le Hoang | Vietnam) – Isang psychological thriller tungkol sa isang lalaking ikakasal na biglang nakarinig ng mga misteryosong tunog sa kanyang ulo bago ang kasal, na nagdulot ng matinding takot sa kanyang pagharap sa isang malalim na katotohanan. Magkakaroon ito ng world premiere sa Singapore International Film Festival.

Sa pamamagitan ng natatanging pakikipag-ugnayan sa mga hayop at nilalang, itinatampok sa Program 2: A Little Blasphemy Never Hurt Anyone ang serye ng mga mapangahas na maikling pelikula na tumatalakay sa pakikipagtuos ng tao sa kaniyang pananampalataya, katawan, at mga pagnanasa.

  1. Bleat! (Ananth Subramaniam | Malaysia, Philippines, France) – Sinusundan nito ang isang matandang mag-asawang Malaysian-Tamil na natuklasang buntis ang kanilang lalaking kambing na nakatakda sanang katayin sa ritwal, kaya napilitan silang mamili sa pagitan ng kanilang paniniwala at ng inaasahan ng komunidad. Nagwagi ito ng Queer Palm para sa Best Short Film sa Cannes Critics Week.
  2. Fruit / Buah (Jen Nee Lim | Singapore) – Kuwento ng isang buntis na paulit-ulit na nabibigo sa pagpapalaglag sa isang lugar kung saan ipinagbabawal ang aborsyon, hanggang sa makatagpo siya ng isang misteryosong drayber ng bus. Nagwagi ito ng Special Jury Prize sa Clermont-Ferrand International Short Film Festival.
  3. Run Shirley Run! (Rodiell Veloso | Philippines, Japan, Thailand) – Isang QCShorts grantee kung saan ang itaas na kalahati ng isang manananggal ay gustong mamatay habang ang ibabang bahagi naman ay gustong mabuhay, na nagdulot ng gulo nang makialam ang dalawang tangang aswang hunter at dalawang kabataan sa kanilang muling pagtatagpo.
  4. The Bovine Comedy (Ratchapoom Boonbunchachoke | France) – Nakatutok ang kuwento sa hinaharap kung saan halos ubos na ang mga baka; nang mahirapan ang matandang toro ng isang mayayamang magsasaka na magparami, humingi ito ng tulong sa isang mahirap na manggagawa at naging malapit sa mga kamay nito. Nagwagi ito ng Pardino d’oro para sa Best Auteur Short Film sa Locarno Film Festival.
  5. The Dream Is a Snail / Giấc mơ là ốc sên (Thiên Ân Nguyễn | Vietnam, South Korea) – Sinusundan nito ang isang naghihirap na batang pintor na tumanggap ng kakaibang trabaho bilang human racetrack sa isang senior workshop, hanggang sa maging kahumalingan niya ang pakiramdam ng mga kuhol na gumagapang sa kanyang balat. Unang ipinalabas ito sa Cannes Film Festival kung saan nanomina ito para sa Palme d’Or.

Program 3: All Our Mothers Were Once Girls ang mga nakatagong kwento at hindi naisakatuparang pangarap ng apat na ina mula sa pananaw ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng mga tampok na kababaihan sa iba’t ibang yugto ng buhay mula sa Pilipinas at Singapore, naghahatid ang programa ng isang maemosyong pagsasalaysay na puno ng halakhak at luha.

  1. Grandmothering (Gandang Lola) (Kylechandler Bigay | Pilipinas) – Isang kuwento tungkol kay Amor, isang 67-taong-gulang na parlorista na nag-aalaga sa kanyang apo habang itinataguyod ang naghihingalong negosyo. Sa kanyang paglahok sa “Gandang Lola” pageant upang muling mapansin, haharapin niya ang kanyang mga pangamba at bibigyan ng bagong kahulugan ang kagandahan. Ipalalabas ito sa unang pagkakataon sa Leeds International Film Festival bago ang Asian premiere nito sa QCinema.
  2. Maanaa Kanimo (Toni Cañete | Pilipinas) – Sinusundan ng likhang ito ng QCinema grantee ang dalawang magkapatid na nag-imbestiga sa pagkawala ng rebulto ng Birheng Maria sa kanilang komunidad, kung saan matutuklasan nila ang mga usapin ng pagkakakilanlan at moralidad na mabibigyang-linaw sa pamamagitan ng isang hindi inaasahang halik.
  3. Sana’y Nandito Ka (Clister Santos | Pilipinas) – Umiikot ang kuwento sa isang binatang sumama sa kanyang ina sa araw ng halalan pagkalipas ng anim na taong pagkakahiwalay, na humantong sa isang hapon ng pakikipagkasundo sa inang minsang nang-iwan sa kanya.
  4. The 4PLY Clandestine System (Natalie Sin | Singapore) – Tumatampok sa dalawang dokumentarista na nagsaliksik sa buhay ng isang eksentrikong nagtitinda ng tissue, kung kanino matutuklasan ang isang nakakababag-damdaming lihim na susubok sa kanilang sariling kyuryosidad. Una itong ipinalabas noong nakaraang taon sa Singapore International Film Festival.

Tinatampok sa Program 4: “The Mountains Always Ask for More”—ang huling kategorya sa QCShorts International—ang mga makabuluhang pampolitikang maikling pelikula mula sa Pilipinas, Indonesia, at Cambodia. Sinusuri ng mga akdang ito ang maseselang ugnayan ng tao sa kalikasan at ang mga kasaysayang ibinubunyag at ikinukubli nito.

  1. Agsangit Laeng ti Al-alia (A Ghost Can Only Howl) (Carla Pulido Ocampo | Pilipinas) – Isang akda mula sa QCShorts grantee tungkol sa isang batang herbolario na kailangang isuot ang damit ng kanyang wala sa piling na ina at gamitin ang lakas ng loob ng kanyang kapatid upang sumapi sa isang rebolusyong tinututulan ng kanyang ama.
  2. Golden Island (Kota Emas) (Arief Budiman | Indonesia, Singapore) – Sinusundan ang dalawang bideograpo na nagdugtong-dugtong ng mga alaala at archival footage ng Papua upang isiwalat ang katotohanan ukol sa pagsasamantala sa lupain at military subjugation. Unang ipinalabas ngayong taon sa Tiger Short Competition ng International Film Festival Rotterdam.
  3. Incident on the Mountain (Oupatevak Het Tam Phnom) (Savunthara Seng | Cambodia) – Nakatuon sa tatlong lalaking nauugnay sa isang misteryosong pagbagsak ng helikopter sa kabundukan, habang ang dalawa ay umaakyat sa dalisdis at ang isang arbularyo sa kagubatan ay nag-aalala ng mga sinaunang ritwal sa ulan. Naging bahagi ito ng 2026 Berlinale ngayong taon.
  4. Obscura (Timoteus Anggawan Kusno | Indonesia, Netherlands) – Kuwento ng tatlong manggagawa sa gallery na nagnakaw ng isang Mooi Indië landscape painting at naglakbay patungo sa ipinangakong paraiso nito, hanggang sa makapasok sa isang mala-panaginip na mundong gigimbal sa alamat ng paraisong kailanman ay hindi naging totoo. Unang ipinalabas ngayong taon sa Locarno Film Festival.
  5. They Made Monsters (Jaime Morados | Pilipinas) – Tumatalakay sa isang batang pinalaki ng kanyang amang nangangaso ng halimaw upang pumatay, ngunit magsisimulang magduda sa kung sino ang tunay na halimaw nang marinig ang tila-taong iyak ng huling nilalang na kanilang nadakip. Ipalalabas ito sa Singapore International Film Festival ngayong Oktubre bago ang pagpapalabas nito sa Pilipinas.