Provincial buses pinayagang dumaan sa EDSA ngayong Undas

Ang Epifanio de los Santos Avenue o EDSA na tiyak na mas magiging mabagal ang daloy ng trapiko rito dahil papayagan ang mga provincial bus na gamitin ito ngayong holiday season mula Disyembre 24, 2022 hanggang Enero 2, 2023. (Kuha ng Bilibb)

Nag-anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinapayagan nito ang mga provincial bus na dumaan sa kahabaan ng EDSA.

Ang kautusan ay epektibo mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 6, 2023 mula ika-10:00 ng gabi hanggang ika-5:00 ng umaga. Ang pagpayag na ito ay may kaugnayan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at paggunita sa Undas, partikular sa mga uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

“Ang mga provincial buses mula sa North Luzon ay maaaring umabot sa mga terminal sa Cubao, Quezon City. Ang mga bus galing South Luzon ay maaaring huminto sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX,” ayon sa MMDA.