Provincial buses papayagang bumiyahe sa EDSA

Ang Epifanio de los Santos Avenue o EDSA na tiyak na mas magiging mabagal ang daloy ng trapiko rito dahil papayagan ang mga provincial bus na gamitin ito ngayong holiday season mula Disyembre 24, 2022 hanggang Enero 2, 2023. (Kuha ng Bilibb)
Mula Disyembre 24, 2022 hanggang Enero 2, 2023 ay papayagang bumiyahe ang mga provincial bus sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ang mga provincial bus na magmumula sa North Luzon ay kailangang tapusin ang kanilang mga biyahe sa bus terminals sa Cuba, Quezon City.
Samantala, ang provincial buses na magmumula sa South Luzon ay dapat tapusin ang kanilang mga biyahe sa bus terminals sa Pasay City.
Ang kautusan ay upang bigyang-daan ang provincial buses sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pupunta sa mga probinsya para sa holiday season at matiyak ang kaginhawahan ng mga commuter.
Gayundin, pinapayuhan natin ang ating mga kababayan na i-adjust ang inyong mga oras kung kayo ay gagamit din ng EDSA dahil aasahan ang mabagal na daloy ng trapiko para makarating kayo sa oras sa inyong mga destinasyon.