Provincial buses papayagan sa EDSA para sa Semana Santa

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang papayagan ang provincial buses na makadaan sa kahabaan ng EDSA simula Abril 9 nang alas-10:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga bilang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa.

Ito ay bilang pagtiyak na matiwasay ang pagbiyahe at inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng Semana Santa.

Nilinaw ng ahensya na ang mga provincial bus mula sa norte ay papayagan lamang hanggang sa terminal ng Cubao sa Quezon City habang ang magmumula sa south Luzon ay hanggang sa terminal sa Pasay City.

Ayon pa sa MMDA, simula naman sa Abril 16 hanggang Abril 20 papayagan ang mga bus na makadaan sa EDSA nang 24 oras.