Price rollback sa produktong petrolyo kasado

Kasado na ang rollback sa presyo sa lahat ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 10.

Asahan ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P2.50 – P2.80 kada litro

Gasoline: P0.30 – P0.75 kada litro

Kerosene: P2.00 – P2.10 kada litro

Nagkaroon ng pagtapyas sa presyo matapos ang tatlong sunod-sunod na oil price hike. Ayon sa Department of Energy, mayroong trend demand sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa unang bahagi ng taon. Konektado ito sa kaso ng COVID-19 sa China na kung hindi makokontrol ang naturang sitwasyon sa susunod na dalawang buwan ay may tsansa na bumaba ang mga presyo.