Presyo ng sibuyas umakyat pa sa P300/kilo

Sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa pamilihan ay umaaray na ang mga mamimili, gayundin ang mga nasa hanay ng “middle middle-income class”.

Sa Marikina market pumalo na sa P300 ang presyo kada kilo ng sibuyas na pula ngayon. Ganito na rin ang presyo nito sa Zamboanga City.

Samantala, dahil na rin sa mataas na presyo ng sibuyas, umaaray din ang mga nagbebenta nito sa Divisoria sa Maynila dahil kakaunti lamang ang namimili nito.

Ayon sa ilang mamimili, kaunti at maliliit na sibuyas na lamang ang kanilang binibili dahil sa mahal nito. May ilang tindahan din ang nagbebenta nito kada piraso sa halagang P13 na ikinagugulat ng marami.