Sa pagpasok ng bagong taon, may aasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Enero 7.
Ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:
Diesel: P1.30 – P1.50 kada litro
Gasoline: P0.90 – P1.10 kada litro
Kerosene: P0.90 – P1.10 kada litro
Ang pagtaas ng presyo ay mula sa production cut sa langis na magtatagal hanggang sa Abril, bilang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries. Isang dahilan pa ay ang sobrang lamig na nararanasan sa ibang mga bansa kaya mataas ang pangangailan sa heating fuels.

