Presyo ng petrolyo nagbabadyang tumaas

Nagbabadyang tumaas ang presyo sa lahat ng produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 21.

Inaasahan ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P0.70 – P1.00 kada litro

Gasoline: P0.60 – P0.90 kada litro

Kerosene: P0.24 – P0.45 kada litro

Sa naging pahayag sa radyo ng Department of Energy kahapon, ang pagtaas ay kaugnay ng balak ng Russia na tapyasan ang produksyon ng petrolyo at ang deklarasyon ng International Energy Agency na itaas ang forecast sa taong ito ng demand sa langis.