Presyo ng produktong petrolyo bababa

May aasahang price rollback o pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Abril 30.

Ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P0.40 – P0.60 kada litro

Gasoline: P0.20 – P0.45 kada litro

Kerosene: P0.70 – P0.90 kada litro

Ang pagbaba ng presyo ng mga petrolyo ay mula sa tensyon sa Gitnang Silangan na humihina sa pagitan ng Iran at Israel. Gayundin, ang imbentaryo ng langis sa Amerika ay tumataas na kung may pagtaas sa suplay ng langis ay hindi gaanong tataas ang presyo nito.