Pre-pageant Night ng Miss Caloocan 2023 matagumpay na idinaos

Miss Caloocan 2023 candidates (Cultural Affairs & Tourism Office - Caloocan City)

Matagumpay na naidaos ang Pre-pageant Night ng Miss Caloocan 2023 kung saan isinagawa rito ang Talent and Swimsuit Preliminary event na ginanap noong Sabado, February 18 sa Grand Ballroom ng Manila Diamond Hotel sa Ermita, Manila.

Sa 22 naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ay nagpamalas ng ang mga ito ng talento at nakabibighaning ganda at pigura sa swimsuit round sa harap ng mga hurado na kinabibilangan nina Miss Pamela Bianca Villacorta, Mr. OLiver Uy at Mr. Robert Vincent Sy.

Candidate #4 Clarisse Ann SD Rocabo. (Cultural Affairs & Tourism Office – Caloocan City)

Apat na natatanging kandidadata ang nakakuha ng atensyon ng inyong lingkod dahil sa kanilang ganda at ipinamalas na stage presence, performance at advocacy. Ito ay sina Candidate #4 Clarisse Ann SD Rocabo ng Bgy. 176 Bagong Silang na nauna nang nai-feature sa Bilibb.ph noong nakaraang linggo, Candidate #8 Natsaha Jung, isang pageant veteran na dati nang sumali sa Miss World Philippines at Bb. Pilipinas 2022, Candidate #9 Genevieve L. Nava ng Bgy.153 at Candidate #19 Wil MaY M. Wu ng Bgy. 176.

Si Genevieve na first time ever na sumali sa beauty pageant, ay kakikitaan ng kanyang pagiging chill at cool at natural na kilos kaya naman on-stage ay confident at kalmado ito. Ang mga galaw na ito ay hindi makikita sa karamihan ng mga “kontesera” na parang aral na aral ang pagkilos na nagmumukha ng OA kadalasan. Isang asset na napapansin ng mga mapanuring pageant experts sa kanya ay ang kanyang hairstyle na maikli at namumukod tangi kapag inihelera sa ibang kandidata. Kung tuluyan pang mahahasa ang kanyang stage presence maaari siyang maging sikat na ramp model sa hinaharap. Ang kanyang advocacy na women and children empowerment ay talagang pinag-isipan at base sa personal na karanasan kung kaya’t mas may kabuluhan at malalim katuturan.

(Cultural Affairs & Tourism Office – Caloocan City)

Lubha naman akong napahanga sa will power at tenacity ni Candidate #19 Wil May Wu, pangatlong beses niya na itong pagsali sa pageant ngunit hindi siya pinanghihinaan ng loob dahil sa pangarap niya para sa mga kapwa kabataan at people with disability (PWD). Nais niyang patuloy na gawin ang pagbibigay ng libreng training ng karate sa mga batang mahihirap ng Caloocan na hindi kayang mag-training dahil sa gastusin. Libre niya itong ibinibigay nang hindi umaasa ng kapalit, ang fulfillment aniya ay kapag ang isang bata ay nabigyan ng kumpiyansa sa kanyang sarili na kayang maabot ang pangarap basta magsikap lamang, Malapit din ang kanyang puso sa mga PWD at dapat din silang kasama bilang produktibong miyembro ng komunidad.

(Cultural Affairs & Tourism Office – Caloocan City)

Masasalamin sa mga adhikain at adbokasiya nina Genevieve, Wil May at Clarisse Ann (ukol sa mental health care) na ang pagiging beauty queen ay hindi lamang base sa gandang pisikal at personal na ambisyon kundi mas higit sa na layunin na mas makatulong sa kapwa at sa komunidad. Nawa’y ang kani-kanilang advocacy at malinis na intensyon ay patuloy na maisagawa kahit matapos na ang pageant.

Ang Grand Coronation Night ng Miss Caloocan 2023 na isa sa highlight ng Caloocan City Founding Anniversary ay gaganapin sa February 25, 2023 sa Caloocan City Sports Complex, Bagumbong, Caloocan City North.

(Cultural Affairs & Tourism Office – Caloocan City)

Good luck sa lahat ng kandidata ng Miss Caloocan 2023. Ang Bilibb.ph ay bilib na bilib sa inyo!

Lubos na pasasalamat kay Miss Shaira Peniano ng Caloocan City Public Information Office (PIO) at Cultural Affairs and Tourism Office (CATO) at Fashion Designer friend Julius Ornum at Pageant Mentor Jeson Suela Bolatin at Zdam Anderson para sa matiwasay na coverage ng Miss Caloocan 2023 Pre-pageant Event.