Populasyon ng mundo pumalo na sa 8B

Opisyal nang umakyat sa walong bilyon ang populasyon sa mundo ngayon, ayon sa United Nations.

Ang ulat na ito ay kasabay ng World Population Day at tinawag itong “Day of Eight Billion”

Ang markang naabot ay mula umano sa lumalagong populasyon ng bansa ngayon na Africa. Naroon ang hamon kung paano ihuhubog ng bansang ito o iimpluwensiyahan ang kinabukasan.

May ulat din na inaasahang malalampasan ng India ang China bilang ang pinakamataong bansa sa mundo pagdating ng 2023, ayon sa World Population Prospects 2022.

7th sa Bangladesh, 8th sa Pinas

Sa Pilipinas, si Vinice Mabansag na dumaan sa normal delivery sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila ang tinaguriang “World’s 8 billionth Person” o “Symbolic 8th billionth baby”.

Ang baby girl din noon na si Sadia Sultana Oishee ng Bangladesh ay tinaguriang “World’s 7 billionth Person” na lucky charm ng kanilang pamilya. Si Sadia ay 11 taong gulang na ngayon.

Mataas na populasyon magiging problema ng mundo

“The relationship between population growth and sustainable development is complex and multidimensional” ani Liu Zhenmin, UN Under-Secretary-General for Economic and Social Affairs.

Paliwanag niya sa mabilis na paglobo ng mga bilang ng mga tao sa mundo ay naroon din ang paghihirap na malaban ang kahirapan, gutom, malnutrisyon, at pagpapataas ng antas o kalidad ng sistemang pangkalusugan at edukasyon.

Ang paglobo rin ng populasyon ang sanhi rin ng tinatamasa natin ngayong climate change o pagbabago ng klima.

Tumitindi rin ang problema sa mga polusyon at sobrang pangingisda ay nakasisira ng karagatan.

Tangay din ng populasyong ganito ang pagkakalbo ng mga kabundukan, kabawasan ng mga hayop sa kagubatan at iba pa.

Takbo ng populasyon naiiba sa lugar, panahon

Sa pag-aaral, nadaragdagan ng isang bilyong tao sa loob lamang ng 12 taon.

Naobserbahan din na sa mga bansa, tulad ng Nigeria, ramdam na mabilis ang pagdami ng mga tao sa kanila, habang ang iba, tulad ng Japan, ay lumiliit. Noong 2010 nagkaroon ng bilang na 128 milyon ang tao sa kanila. Ngayong 2022, sila ay may 125 milyon na lamang at nakikitang bababa pa ito sa mga susunod na taon.

Samantala, habang nakikita ng UN demographers na ang mundo ay lalampas ng 10 bilyong katao ngayong siglo, ang iba namang grupo ng mananaliksik ay nakikitang mas tataasan pa ang bilang na nabanggit.