Inihayag ng Pokémon Company ang unang video para sa Pokémon Champions, isang Nintendo Switch at mobile device software game.
Masisiyahan ang players sa Pokémon battles gamit ang familiar mechanics tulad ng mga types, abilities, at moves, at maaari silang maglaro ng cross-platform.
Ito ay available na sa official Pokémon YouTube channel. Mangyaring i-check ang newly released video sa https://youtu.be/vmCUJE-Hrcw.
Ang Pokémon Champions ay nag-o-offer sa players ng pagkakataong makipagkumpetensya sa mga Ranked Battles, Casual Battles, Private Battles, at makilala ang mga tagapagsanay bilang mga avatar. Ang laro ay katugma sa Pokémon HOME, na nagpapahintulot sa players na makipagtulungan sa Pokémon mula sa mga nakaraang serye ng laro at Pokémon GO.
Stay tuned lang sa players para sa future announcements.
Samantala ang Pokémon Legends: Z-A, ang pinakabagong Nintendo Switch software, ay nakatakdang ilabas sa huling bahagi ng 2025, na nag-o-offer ng kakaibang pakikipagsapalaran para sa mga trainer sa Lumiose City.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Pokémon Legends: Z-A, sundan ang impormasyon dito.





