Pista opisyal: Trabaho, klase suspendido sa Enero 9

Listahan ng mga puwede at bawal dalhin sa Kapistahan ng Itim na Nazareno inihayag

Ang simbahan ng Quiapo na matatagpuan sa lungsod ng Maynila. (Kuha ng Bilibb)

Inanunsyo itong Biyernes ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation 120 na ang Enero 9, Lunes ay isang special non-working day sa lungsod ng Maynila kasunod ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Sa circular na inilabas at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kaugnay ng pista opisyal, ito ay upang bigyan ang mga residente ng lungsod ng “full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.”

Noong Enero 3, una nang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na suspendido ang mga klase at trabaho sa lungsod upang magbigay-daan sa naturang kapistahan.

Kaugnay pa nito, magkakaroon ng tatlong araw na liquor ban sa lungsod simula Enero 7 hanggang Enero 9.

Dahil sa matinding banta noon ng pagkalat ng sakit dala ng COVID-19, nahinto nang tatlong taon ang tradisyon sa pagdiriwang ng mga deboto sa kapistahan ng Itim na Nazareno.

Mga puwede at bawal dalhin sa Kapistahan ng Itim na Nazareno

Samantala, naglabas din ng anunsyo ang simbahan ng Quiapo sa mga puwede at bawal dalhin sa nasabing kapistahan:

Puwedeng dalhin:

– water canisters

– sandwiches at snacks

– cellphones

– registered VHF radio at single-hand carried images (two feet and below).

– transparent raincoat/poncho

– shoes at slippers

– small cameras

– wheelchairs

– single-seat

– light chairs

– flashlights

– portable/small candles at posporo

Mga bawal dalhin:

– medium-size to life-size Nazareno images

– Istandarte/banners

– carriages o “andas”

– firearms at deadly weapons

– pyrotechnic devices

– professional camera at video recorder

– selfie sticks

– large bags

– blankets

– hampers

– storage boxes

– portable appliances

– liquified petroleum gas (LPG) tanks at stoves

– tents

– tables at iba pang picnic items

– umbrellas

– alcoholic beverages

– smoking/vaping

– laser pointers

– large chains

– spikes at iba pang big metal objects

– scooters

– skateboards

– skates

– vehicles

– motorbikes

– bicycles (maliban na lamang kung awtorisado)

– heavy meals

– plastic at glass bottles

– food sticks

– pets

– black plastics at jacket