
Mistulang pa-fun run ng premyadong aktor at health and wellness advocate na si Piolo Pascual ang isinagawang unang Quaker Fit Run sa dami ng nakibahagi rito sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City noong April 26.
Naging epektibong Quaker Philippines brand ambassador si Piolo na kilala rin bilang “Papa P” dahil nakita ng publiko kung gaano siya kadesiplinado sa pag-aalaga ng kalusugan kaya pinamamarisan at sinabayan ng mahigit sa 5,000 runners.

Layunin ng Quaker Fit Run
Ang Quaker Fit Run ay nagsimula nang 4:30 ng madaling-araw. Ang ayunin ng fun run na ito ay lampas sa tipikal o basic na pagtakbo; ito ay nagsisilbing isang multifaceted na event na dinisenyo upang itaguyod ang kalusugan, community engagement, at social connection.
Sa non-competitive atmosphere na ito, hinihikayat ang mga kalahok mula sa lahat ng edad at kakayahan na magsama-sama sa isang karanasang nagdiriwang ng pisikal na aktibidad at maging healthy.
Ang distance choices ng runners ay 21KM, 10KM, 5KM, at Sub Piolo Challenge (10K under 47 minutes). Sa event, nakibahagi si Papa P sa pagtakbo sa aabot na 25k.
Pagod man sa takbuhan pero pagkatapos nito ay abot-abot ang kabusugan ang na-experience ng runners. Ilan sa mga comment sa successful event:
– “Sulit ang paggising ng maaga! pangkabuhayan showcase ang lootbag, busolve sa mga booths at ang pjnaka importante sa lahat, nakita upclose si Papa P.”
– “Papagurin before, bubusugin ka after unli breakfast thank you so much quaker fit.for sure join ulit ako nxt run.”
– “It was my first time joining a fun run, organized lahat from hydration station to claiming loot bag medyo maliliit lang yung bag next time lakihan niyo na para magkasya lahat, and Ang saya daming foods, literal na unli breakfast after run, overall satisfied and of course sasali ulit.”
