Pinoy kid waging Little Earth Int’l

Zyrich Mikela Gozum Perez (Little Earth International Facebook page)

Habang ang buong sambayanan ay abala sa mga suliraning dulot ng inflation rate, mataas na halaga ng mga pangunahing bilihin at kakulangan ng supply nito, isang natatanging batang Pinoy ang tahimik na nagdala ng karangalan sa bansa. Sa pagkakapanalo niya bilang Little Earth International 2022, isa muling pagpapatunay ng galing ng Pilipinas sa larangan ng international beauty pageants.

Si Zyrich Mikela Gozum Perez, walong taong gulang na anak nina Joana Marie Gozum at Ephraim Perez at Grade 3 sa St. Paul College, Pasig ang nangibabaw sa mahigit na 20 bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang maging pinakabatang international beauty queen.

Zyrich Mikela Gozum Perez (Little Earth International Facebook page)

Ang international earth competition ay may adbokasiyang glamorously green earth and clean environment.

Ang Earth Entertainment international director na si Mr. Mykhael Stafford na siya ring may-ari ng pageant ay based sa Orlando Florida, U.S. May kani-kaniyang age division ang kompetisyon at ilan sa mga nagwagi ay sina Ms Earth 2022 Deanne Brink mula USA, Mrs. Earth 2022 Ave Tarend mula Estonia, International Teen Earth 2022 Kishi Soo na mula rin sa Pilipinas, Junior Teen Earth 2022 Bianca Villalobos mula El Salvador, Little Earth International 2022 Zyrich Mikela Gozum Perez ng Pilipinas at Little Eco Sphere International Sarah Young ng New Zealand.

Ang international pageant producer na si Rojen Morris ay siya ring may-ari ng Star Dreamers Productions, isang kumpanya na base sa New York at Charleston West Virginia sa U.S. Ginanap ang koronasyon at pagbibigay ng sash sa mga nagwagi sa Broadway New York Marriot Marquis noong September 12, 2022.

Zyrich Mikela Gozum Perez (Little Earth International Facebook page)

Iba’t ibang kategorya ang pinaglabanan sa patimpalak upang piliin ang magwawagi: National Costume, FITness Evening Gown at Eco-interview. Bukod sa Little Earth International, nakuha rin ni Zyrich ang iba pang special awards na Headshot winner, Talent Sinner, Best Vido, Best in Gown, Best in National Costume, Divisional People’s Choice Winner at Best in Question and Answer. Hindi naman ito nakapagtataka dahil naghanda nang maigi ang bata sa virtual competition sa tulong nina Herbert Clark Chaves para sa kanyang wardrobe requirements, Ace Photographer Eliakim Joshua Rodriguez na kanyang tiyuhin na siyang nagpakilala sa kanila kay Miss Joy Soo, Mrs. International Queen at MUSA Fabric Founder na naging daan para makasali si Zyrich sa contest.

Si Zyrich kasama ang iba pang nabanggit na winners ay nagkaroon ng pagkakataon na magmodelo sa katatapos na NEW YORK  Fashion Week, at kanilang mga larawan ay nai-feature sa pamosong billboard sa BIG APPLE, 1560 Broadway at 1540 Broadway, New York CIty Timesquare. si Si Zyrich ay isang Proud MUSA Fabric Ambassador.

Ang MUSA Fabric na likha ni Mrs. Joy Soo ay nakaangla sa adbokasiyang mag-produce ng artistic tribal vogue mula sa paghabi ng banana fiber ng persons deprived of liberties na mga asawa ng indigenous women ng Davao del Norte. Ito ay isang earth friendly fabric materials na unti-unti nang nakikilala sa buong mundo.

Si Zyrich at kanyang buong pamilya ay taos-pusong nagpapasalamat kay Mrs. Joy Soo, ang National Earth Pageant Director ng Pilipinas para sa kanyang tulong at pagmamamahal upang magtagumpay. Excited na rin ang bata dahil dito sa ating bansa idaraos ang 2023 Earth International Competition nagaganapin sa Hulyo.

Congratulations Zyrich Mikela Gozum Perez, LIttle Earth International 2022 mula sa BiLiBB!

Ang mga pagkilalang tinanggap ni Zyrich Mikela Gozum Perez sa Little Earth International 2022 (Little Earth International Facebook page)