Pinay teen na hinamak sa bag noon, modelo na ngayon

Isa nang brand community ambassador ang Pinay na si Zoe Gabriel para sa Charles & Keith.

Pinili si Zoe bilang model ng fashion company para sa kanilang kampanyang may kinalaman sa International Women’s Day (IWD) na ipinoste sa kanilang social media accounts noong Marso 4 kung saan ang larawan ay nagpapakita na hawak ni Zoe ang isang Alia bag ng Charles & Keith bilang paglulunsad nito kaugnay sa IWD.

Si Zoe Gabriel na isa nang community ambassador ng Charles & Keith. Pinili si Zoe bilang bahagi ng kampanya ng fashion company sa lakas at karapatan ng kababaihan kaugnay sa International Women’s Day. (Screengrab/Instagram)

Ang 17-year-old na si Zoe ay isang Singapore-based content creator na naging viral noong Enero sa panghahamak ng netizens sa kanya matapos niyang mag-post ng “luxury item” na regalo sa kanya ng kanyang ama.

Alia Chain-Strap Crossbody Bag – Purple (www.charleskeith.com)

“In gorgeous lilac, our Alia crossbody bag is perfect for adding a chic and feminine finish to your everyday ensembles. Featuring a timeless boxy silhouette and sleek push-lock closure,” pagsasalarawan ng Charles & Keith sa kanilang bag. “20% of all proceeds from this special edition Alia bag will go towards funding the UN Women’s ‘Storytelling for Gender Equality’ programme.”

“Women are like flowers: Our time and needs to grow may not always align, but that is okay. We are like fields of poppy and lakes of lotus – diverse and bold in our differences, beautiful in our own ways,” ani Zoe sa kanyang Instagram account sa pagiging modelo nito ng naturang brand.

Ang tweet ng fashion company na Charles & Keith tungkol sa Pinay teen na si Zoe Gabriel kaugnay sa International Women’s Day. (Screengrab/Twiter)

 

Charles & Keith sa pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan

Ang Charles & Keith ay isang Singaporean fashion company na itinatag noong 1996 ng magkapatid na Charles and Keith Wong. Nagsimula lamang itong shoe store at noong 2013 ay nagkaroon na ng internation chain kung saan mayroon na itong may 600 stores sa Asia Pacific, Middle East, Europe at United States of America. Ang partikular na ibinibenta nito ay high-quality footwear, handbags and fashion accessories na nasa decent prices.

Binuo ang Charles & Keith sa layuning bigyang kapangyarihan ang mga kababaihan sa buong mundo na maipahayag nang Malaya ang kanilang sarili sa pamamagitan ng fashion. Itinutulak ng brand ang mga hangganan ng modernong kasuotan sa paa at accessories sa pamamagitan ng patuloy na muling pag-imbento ng fashion kasama ang mga na-curate na koleksyon nito.