Pinay content creator, hinamak sa fashion bag

Ang pag-iyak ni Zoe Gabriel sa video matapos na makatanggap ng panghahamak sa netizens dahil sa kanyang “luxury bag” na regalo sa kanya ng kanyang ama. (Screengrab/Facebook)

Viral ngayon ang batang Pinay content creator dahil sa pag-post nito ng kanyang “luxury bag”.

Napaiyak na lamang ang Pinay teen matapos siyang makatanggap ng panghahamak mula sa netizens nang iposte nito ang kanyang kauna-unahang “luxury bag” na regalo sa kanya ng kanyang ama.

Hindi inakala ng 17-year-old na si Zoe na ang bagay na kanyang ipinagmamalaki ang siyang magiging dahilan para pintasan siya ng mga tao.

Ang pag-unbox ni Zoe Gabriel sa kanyang “luxury bag” noong Enero 8 na ibinahagi niya sa Tiktok at pinuna ng netizens sa pagsasabing hindi ito luxury item. (Screengrab mula sa Tiktok account ni Zoe Gabriel)

Si Zoe at ang kanyang bag na puno ng inspirasyon

Si Zoe Gabriel na panganay sa apat na magkakaptid ay nagmula sa Maynila at sinimulang manirahan kasama ang pamilya sa Singapore noong 2010. Apat na taong gulang lamang siya noon nang mapadpad sa bago nilang tirahan at ang kanyang ama ay isang mechanical engineer.

Bahagi ng pamumuhay ni Zoe ngayon ang maging content creator kung saan siya ay naging trending sa pagkonsidera niyang “luxury” ang kanyang Charles & Keith bag, isang kilalang fashion company sa Singapore.

Si Zoe na may TikTok account na Zohtaco ay nakatanggap mula sa kanyang ama ng regalong isang Charles & Keith bag na nagkakahalagang S$79.90 (US$60 o mga nasa P3,300) noong Enero 8. Naging sobrang proud lamang ang teen at ipinagmalaki niya ito sa Tiktok bilang kauna-unahan niyang “luxury bag” ngunit pinuna siya na hindi ito maituturing na luxury item.

Iba’t ibang negatibong komento ang natanggap ni Zoe gaya ng “Charles & Keith is not luxury. They’re not even mid-range,” habang ang isa ay “Who’s gonna tell her?” May isa pang “I get that you come from humble beginnings but calling c&k a luxury brand is too much.”

Ang video post niyang ‘yon ay umabot sa 9 million views.

Sa ibinatong puna, naging natural, simple ngunit malaman ang naging pahayag ni Zoe sa TikTok noong Enero 9. Binigyang punto niya kung ano ang naging buhay nila sa unang tungtong nila sa Singapore.

Matapos siyang hamakin, bagaman may pag-iyak ay maayos niyang nadepensahan ang sarili sa video:

Money is the topic that makes me most uncomfortable to talk about. And that is because growing up I did not have a lot. My family did not have a lot.

We couldn’t buy new things as simple as bread from Bread Talk (that) was such an occasional thing. That kind of thing was such a luxury to us when we first moved to Singapore.

Every time we passed by a store, my parents would just say “next time”, but next time we’d never come.

Your comment spoke volumes on how ignorant you seem because of your wealth. To you, an $80 bag may not be a luxury, [but] for me and my family it is a lot. And I’m so grateful that my dad was able to get me one. He worked so hard for that money.

I can’t believe I got hate over a bag I was so excited to have.

Charles & Keith, Ho Ching naging masaya sa depensa ni Zoe

Naging masaya ang fashion company sa naging matalino at pormal na sagot ni Zoe sa kanyang bashers.

“Our hearts really went out to Zoe, but we were so impressed with (how elegantly) she handled the situation, displaying wisdom far beyond her years and values that resonated with us greatly. Our founders believe that our products should spark joy, empower fashion lovers, and give them confidence, something we believe she presented so eloquently in her video and for which we are so grateful,” ayon sa Charles & Keith spokesperson na naging pahayag sa Straits Times.

Ang pag-tour ni Zoe Gabriel kasama ang kanyang ama sa headquarters ng kilalang fashion company na Charles % Keith matapos na mag-viral ang Pinay teen sa pagiging proud niya sa kanyang “luxury bag”. (Mula sa Instagram account ni Zoe Gabriel)

Dahil dito ay nagkaroon ng oportunidad si Zoe at ang kanyang ama na malibot ang headquarters ng Charles & Keith. Nakatanggap din sila ng mga regalo mula rito.

“We had the chance to sit down with Keith and get to know their company a little better,” ani Zoe. “Thank you to everybody who has shown their support! Without you, we would never be here.”

Agad din namang sumagot ang fashion brand sa mensahe ni Zoe.

“Thanks for visiting! We were happy to have you and your dad at our HQ office,” the brand commented in response. “[We] hope you enjoyed the lunch and had a meaningful experience with us.”

Ang istoryang ding ito ay ikinatuwa ni Ho Ching na asawa ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong at nagpadala ng “love and hugs” sa pamamagitan ng Facebook post.

Ang masayang Facebook message ni Ho Ching kay Zoe Gabriel matapos ang panlalait sa huli ng netizens. (Screengrab/Facebook)