Pinas-Israel direct flights inanunsyo sa selebrasyong Sukkot

Sina Israel Ambassador to the Philippines Dana Kursh (kanan) at Michal Kaplan, Head ng Revenue Management for Long Haul Routes ng Arkia Israeli Airlines habang ibinabalita na mula January 2027, magkakaroon na ng direct flights mula Israel patungong Pilipinas at vice versa. Ang anunsyo ay kasabay ng selebrasyon ng Sukkot. (Kuha ni Leony Garcia)

Sa paanyaya ng Embahada ng Israel sa Pilipinas, nakibahagi ang grupo ng media sa pagdiriwang ng Sukkot, isang kapistahan ng mga Hudyo, na ginanap sa Taguig City noong gabi ng Setyembre 24.

Kasama sa pagtitipon ang diplomats, government officials, at iba pang mga kaibigan ng Israel kung saan inalala rin nito ang naging mabuting aksyon noon ni Pangulong Manuel L. Quezon na tinanggap ang 1,300 refugee na Hudyo mula sa Holocaust noong pagitan ng 1937 at 1941.

 

Pagdiriwang ng Sukkot

Ang sukkah ay salitang Hudyo na ang ibig sabihin ay isang kubol – na kung marami, ito ay tinatawag nang sukkot.

Ang Sukkot ay isang sagradong pagdiriwang na nagmula pa noong unang panahon sa Bibliya, na gumugunita sa paglisan ng mga Israelita mula sa Ehipto at sa kanilang sumunod na 40 taong paglalakbay sa disyerto. Ayon sa Torah, inutusan ang mga Hudyo na magtayo ng Sukkah, o isang pansamantalang tirahan sa labas kung saan sila maninirahan dito ng pitong araw taon-taon. Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing makabuluhang paalala ng kanilang mga karanasan sa disyerto at sumasaklaw sa mayamang kalipunan ng mga kahulugan at tradisyon.

Ang Sukkot (Feast of Tabernacles) ay kumakatawan din sa ikapito at huling taunang kapistahang inilarawan sa Levitico 23. Ang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa mga tema ng paninirahan, masaganang ani, pasasalamat, kagalakan, banal na presensya, at mga hangarin para sa hinaharap.

Sa taong ito, ang aktuwal na pagdiriwang ay nagsimula gabi ng Setyembre 25 at ginagawa ito ng mga Hudyo sa Israel at sa ibang panig ng mundo. Sa Sukkah, sila ay kumakain kasama ang pamilya at mga kaibigan, tumatanggap ng mga bisita at nagsasaya.

“The Feast of Tabernacles, the Feast of Sukkot in Hebrew, is the Feast of Kubol in Filipino. It’s a feast of hospitality. It’s a feast of having a home that you can host as many people as possible, that you can interact, that you can share bread together, that you can share delicious food, Filipino food, Israeli food, and that you can exchange about your religion, about stories. And this is the essence. We are commanded, the Jewish people are commanded for seven days to live in this kind of a sukkah, which is a temporary home, to remember the time that we were 40 years in the desert,” ayon kay Israeli Ambassador Dana Kursh.

 

Direct flights, magpapatibay ng koneksyong Pinas-Israel

Kasabay ng pagdiriwang ng Sukkot ay ang pormal na anunsyo ng pagkakaroon ng direct flights sa pagitan ng Israel (Tel Aviv) at Pilipinas (Manila), at vice versa na ang biyahe ay 11 oras, isang beses sa isang linggo.

“From January 2027, we are going to have direct flights from Israel to the Philippines and vice versa, and walang visa is needed. So that is amazing. And I also hope that many, many Israelis will come and enjoy more than 7,000 wonderful islands here and the wonderful hospitality and compassion that the Filipino people have and vice versa, that as many Filipinos come to enjoy the Holy Land and the start of nation in one nation called Israel,” ayon kay Ambassador Kursh.

Ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay tinatayang mahigit 117 milyon habang ang Israel ay 10.3 milyon. Maraming overseas Filipino worker ang nasa Israel para sa ikaaayos din ng buhay ng kanilang mga pamilya, at maaaring pagmulan din ito ng programa para sa kanilang naroon.

“We really hope that this direct connection will lead to more family connections and business connection and people-to-people connection because Filipinos and Israelis have so much in common. And they are celebrating hospitality together. And I hope that many Filipinos will enjoy the hospitality of Israel and I would highly recommend to enjoy the amazing, outstanding Filipino hospitality here in the Philippines,” ayon pa kay Ambassador Kursh.

“We need our people to enjoy one another. We need to rejoice hospitality and to enjoy one another’s hospitality. And there’s no better way by using these direct flights. There are 30,000 OFWs in Israel that will enjoy those flights. They come mostly at Christmas to spend some time with their families. And they want to rush back home because they feel at home in Israel. We will try to do everything in our powers to enlarge the opportunities of OFWs in Israel in different fields than caregivers and hospitality,” dagdag pa niya.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)