Pertussis outbreak idineklara sa Iloilo City

Sa isinagawang pagpupulong nitong Lunes, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang pertussis outbreak sa kanilang lugar.

Sa rekomendasyon ng Health and Sanitation Cluster ng City Health Office, dapat nang magdeklara ng outbreak kasunod ng 15 naitalang kaso ng naturang sakit, sa pinakahuling tala nitong Marso 25. Walo sa mga ito ay kumpirmadong may pertussis habang pito ang hinihinalaan.

Sa pamumuno ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, inaprubahan ng konseho ang dalawang resolusyon: ang pagproklama ng outbreak ng pertussis, at ang isa ay nagmungkahi sa City Council na magdeklara ng state of calamity dahil sa sakit.

“We need to access funds coming from the calamity fund; we cannot access it unless there is a declaration of the state of calamity,” ayon kay Mayor Treñas, “If necessary, we will add more funds.”

Sa isinagawang pagtala, tatlo sa kumpirmadong kaso ng pertussis ay mula sa Molo, dalawa sa Jaro, at tig-isa sa Jaro II at Arevalo.

“If we have an outbreak, we have what we call ‘outbreak response immunization’, that is why we need additional vaccines. For adults and pregnant women on their third trimester are also high-risk so we will give them the vaccine also because there’s possibility that they may be a carrier and the baby who is not yet vaccinated will have a big chance to acquire pertussis,” ayon naman kay City Health Office Asst. Department Head Dr. Roland Jay Fortuna.

Tinatayang 26,000 mga batang may edad 0-59 buwan mula sa Jaro, Molo and Arevalo ang inaasahan ng lungsod na mababakunahan.