Persepsyon ng publiko sa pagganap ng DOH may gradong “Maganda”

Mataas na kaalaman sa mga programa ng DOH ngunit mas mababang kasiyahan sa abot-kayang halagang pangangalagang pangkalusugan ayon sa survey

Sa isinagawang pag-aaral sa buong bansa ng Capstone-Intel Corporation, napag-alaman na ang persepsyon ng publiko sa pagganap ng Department of Health (DOH) ay “Maganda.” Nilalayon ng survey na sukatin ang pampublikong kasiyahan sa DOH sa mga hanay tulad ng pagiging tapat at walang itinatago, pagiging maagap, access sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, at komunikasyon.

Sa 1,205 respondente sa buong Pilipinas, natuklasan na 83% sa mga ito ay alam ang mga tungkulin at responsibilidad ng DOH. Ang mga programa ng DOH na may pinakamataas na kamalayan ay ang National Immunization Program, na may 65% ​​na kamalayan, sinundan ng Family Health Program (59%) at National HIV/AIDS Program (50%).

Nakalahad din sa survey na 60% ang nasiyahan sa pagiging tapat at walang itinatago at pagkakaroon ng pananagutan ng DOH sa pagbibigay ng mga serbisyo at impormasyon sa pampublikong kalusugan, 10% ang hindi nasiyahan, at 31% ang ang alangang nasiyahan o hindi nasiyahan. Tungkol sa pagiging maagap at kahusayan ng pagtugon sa krisis, 56% ang nagpahayag ng kasiyahan, 13% ang hindi nasiyahan at 31% ang alangang nasiyahan o hindi nasiyahan. Tungkol sa accessibility at abot-kayang halagang pangangalagang pangkalusugan, 52% ang nasiyahan, 18% ang hindi nasiyahan, habang 31% ang alangang nasiyahan o hindi nasiyahan. Sa pagpapakalat ng DOH ng impormasyon sa kalusugan sa publiko, 59% ang nasiyahan, 12% ang hindi nasiyahan, at 29% ang alangang nasiyahan o hindi nasiyahan. Sa pangkalahatan, ang survey ay nagpakita na 60% ay nasiyahan sa pagganap ng ahensya, 13% ay hindi nasiyahan, at 27% ay alangang nasiyahan o hindi nasiyahan.

“This survey provides valuable insights that can guide policies towards improving the delivery of health services and strengthening health systems for all Filipinos,” ani Dr. Guido David, Chief Data Expert sa Capstone-Intel. “While DOH’s ratings are generally positive, increased affordability of care should be a priority to truly achieve universal healthcare.”

Nilalayon ng Capstone-Intel na maghatid ng layunin, walang pinapanigang pananaliksik sa mga isyu ng pambansang kahalagahan. Ang survey hinggil sa DOH ay isinagawa mula Agosto 1-10, 2023 na may istriktong sistema ng mga alituntunin upang matiyak ang pagiging maaasahan ng datos at tumpak na representasyon ng opinyon ng publiko sa buong urban at rural na mga lugar ng Pilipinas.

Ang Capstone-Intel ay isang kompanya ng mataas na epekto ng pananaliksik na gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, kagamitan, at mga pamamaraan sa pagsusuri upang isalin ang mga datos at impormasyon sa mga modernong kaalaman na naaaksyunang mga produksyon. Nakatuon ang ahensya na tulungan ang mga kliyente nito na malutas ang mga problema, humanap ng mga solusyon, palaguin ang mga merkado at nasasakupan, bumuo ng mga reputasyon, maiwasan ang mga peligro, at pamahalaan ang mga krisis; at maging nangungunang pribadong ahensya ng pananaliksik at intelihensya sa bansa.