Pebrero 9 special non-working day dahil sa Chinese New Year

Deklaradong isang special non-working day ang Biyernes, Pebrero 9 sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Ito ang naging anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos sa ilalim ng Proclamation No. 453 na nilagdaan noong Enero 18 at inilabas sa media nitong Enero 19.

Ang Pebrero 9 ay kasunod ng naideklarang nang holiday sa Sabado, Pebrero 10, bilang araw mismo ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” nakasaad sa proklamasyon.

19