Pauline Amelinckx ready sa Miss Supranational Philippines 2023

Miss Bohol Pauline Cucharo Amelinckx (Kuha ng Bilibb)

Hindi man pinalad na manalo si Miss Bohol Pauline Cucharo Amelinckx sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2023, nasungkit naman niya ang titulong Miss Supranational Philippines.

Ang naturang beauty title ay nakuha matapos ang big event na ginanap ika-2 ng hatinggabi sa Okada Manila sa Parañaque City itong Mayo 14.

Handa na ang Belgian-Filipino model na si Amelinckx sa pageant na kanyang haharapin. Mas puno ngayon ng kumpiyansa ang dalaga dahil marami rin siyang nakuhang pagkilala sa katatapos na pageant.

Miss Bohol Pauline Cucharo Amelinckx (Kuha ng Bilibb)

Sa Okada, kinilala rin dito si Miss Baguio Krishnah Marie Gravidez na tinanghal na Miss Charm Philippines.

Habang hindi pa naihahayag ang petsa para sa ikalawang Miss Charm contest, ang Miss Supranational 2023 competition ay magaganap sa Hulyo 14 sa Poland.

Ang Miss Supranational ay isang taunan at isa sa pinakamalaking beauty pageants sa mundo na nagsimula noong 2009. Karamihan sa contest nito ay ginaganap sa Poland. Ito ay may parallel na patimpalak para sa mga kakalilihan na Mister Supranational, na nagsimula naman noong 2016.

Nakapag-produce na ang bansa para sa nasabing titulo nang makuha ito ni Mutya Datul noong 2013.

Miss Bohol Pauline Amelinckx. (Mula sa kanyang Facebook account)

Sponsor awards na nahakot ni Pauline Amelinckx

Bago pa man ang mga Miss Universe Philippines 2023 ay matunog na ang pangalan ng 26-year-old na si Miss Bohol Pauline Amelinckx dahil ang paglahok niya rito ay ang kanyang ikatlong attempt.

Unang sumali sa contest ang dalaga noong 2020 at pumwestong ikatlong runner-up kay Rabiya Mateo.

Ang kanyang ikalawang paglahok ay noong 2022 kung saan siya ay naging Miss Universe Philippines Charity.

Sa katatapos na Miss Universe Philippines 2023, nagbigay ng iba’t ibang karangalan kay Amelinckx ang pageant.

Samantala, sa mga hindi nakakaalam ay mistulang darling of the sponsors si Amelinckx sa mga nahakot niyang pagkilala sa preliminary competition ng big event na naganap noong Mayo 10 sa Okada Manila.

Ang 10 sponsor awards na nakamit ni Pauline Amelinckx

– Miss Creamsilk Ultimate

– Miss Soen

– Miss Kemans Body

– Miss Origee Beauty Drink by Skin Magical

Miss Hello Glow

– Miss Jojo Bragais

– Miss Titan Universe

– Miss Enderun

– Miss Smilee Apparel

– Miss Avana

Samantala sa nasabing special event, si Miss Pampanga Angelique Manto ay nagkamit din ng sponsor awards tulad ng Miss Okada, Miss Jewelmer, Miss Avon, at Miss Cavaso.