Pasok sa gobyerno sa Marso 27 suspendido

Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Miyerkoles, Marso 27 na magsisimula ng tanghali. Samakatuwid, ito ay half-day work.

Ang deklarasyon ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 45 upang magkaroon ng tamang oras ang publiko sa paghahanda at pakikiisa sa Huwebes Santo, partikular ang mga uuwi ng kanilang mga lalawigan.

Nilinaw din sa kautusan na ang mga ahensya ng pamahalaan na konektado sa delivery ng basic at health services, mga reresponde sa emergencies at kalamidad, at iba pang tulad nito ay dapat na magpatuloy sa kanilang mga tungkulin.

Ipinauubaya naman ang suspensyon ng mga trabaho sa hanay ng mga pribadong kompanya batay sa desisyon ng employers nito.

Samantala, sa bisa naman ng Proclamation No. 477, deklaradong isang special (non-woking) day sa Las Piñas bilang paggunita sa 117th Founding Anniversary at 27th Cityhood Anniversary ng nasabing lungsod.