Pansi Cabagan, sarap na inihain sa Japan

Ang Pansi Cabagan na inihain sa grupo ng mga media habang nasa kapistahan ng 2024 Bambanti Festival sa lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Kung sa pasarapan ng pansit, hindi rin naman padadaig ang mga Cabagueños. Handa nilang ilaban ang sarap ng kanilang Pansi Cabagan.

“Pansi” ang tawag sa Cabagan, isang munisipalidad sa lalawigan ng Isabela.

Salitang Ybanag o Ibanag ang pansi na ang ibig sabihin ay pansit.

Pansi Cabagan, a renowned regional delicacy of Cabagan, a town located in the province of Isabela, has gained popularity for its delectable and flavorful cuisine.

The exceptional taste of Pansi Cabagan was acknowledged internationally as it was selected as one of the featured dishes at the prestigious 2024 Minato International Cultural Exhibition held in Roppongi Hills, Tokyo, Japan. The exhibition, which commenced on January 23 and concluded on February 6.

Ang Pansi Cabagan ng Isabela na itinampok sa nakaraang 2024 Minato International Cultural Exhibition sa Roppongi Hills sa Tokyo, Japan. (Philippine Embassy in Japan Facebook Page)

Ang exhibition ay may pamagat na “Ambassador’s Favorite Traditional Food.” Sa taunang aktibidad na ito ay naipapamalas ng Japan ang masasarap na lutuin ng iba’t ibang kultura ng ibang mga bansa.

Sa pagdayo namin kamakailan sa Isabela para sa pagdiriwang ng 2024 Bambanti Festival ay inihain din sa amin ng lokal na pamahalaan ang masarap nilang Pansi Cabagan.

Ang pansit na ito ay may iba’t ibang halo tulad ng bawang, sibuyas, repolyo, nilagang itlog ng pugo, lumpiang shanghai, tokwa, at iba pa. Sa iba naman ay nilalahukan ito ng lechon o lechon kawali. Masarap itong kainin habang mainit at pinapatakan kalamansi o sasabayan pa ng malasa ring suka.