
Sobrang nag-enjoy ang moviegoers sa katatapos lamang na Puregold CinePanalo Film Festival (CPFF).
Bukod sa enjoyment na nakuha ng mga tao sa mga entry na napanood, sobrang saya rin naman ng mga ito dahil ang movie tickets nila ay puwedeng ipalit nang libre sa groceries mula sa Puregold sa tulong din ng kanilang generous sponsors – moment na sinulit nang husto ng publiko kahit grabe ang pila.
Ang Puregold ay kilalang grocery retail at wholesale chain sa bansa. Ang groceries na naiuwi ng mga tao ay iba’t ibang sabon, shampoo, toothpaste, gatas at kape, cup noodles, canned goods, seasonings, iba pang mga pagkain at inumin, at marami pang iba.
Maliban sa groceries, may pamigay ding libreng tote bags na puwedeng lapatan ng iba’t ibang designs at names ng moviegoers. Mayroon ding photo booth para sa mahilig sa awrahan.
Talagang dinumog ang CPFF dahil ramdam ng mga tao ang panalo – na ayon sa kanila, hindi masasayang ang bayad mo sa panonood dahil maliban sa suporta ito sa film industry ay bumalik din sa tao ang suportang ibinigay nila dahil sa dami ng freebies.
Pero lingid sa kaalaman ng marami, bago pa man nagsimula ang filmfest may suporta nang ibinigay ang Puregold sa filmmakers. Sa mga lumahok sa full length films, nabigyan ang bawat isa sa kanila ng grant na P5 milyon.
Sa mga entry ngayong taon, maraming mapagpipilian dahil nahaluan ito ng comedy at horror na kadalasang hinahanap ng manonood. Mayroon ding fantasy, queer cinema, dark satire, at iba pa – kaya malawak ang options na sumaya pa!
Nakatutuwa ring malaman na maraming screenings ang sold out at dahil malaki ang suporta ng publiko rito, kasama na ang malaking bilang ng mga kabataan, pinaplano ng filmfest na ito na mas mailapit pa ito sa mga manonood sa susunod na kaganapan.
Ang film festival ng taong ito ay napanood sa Gateway Cineplex 18 sa Araneta City Cubao, Trinoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Market! Market!
(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)
