Panibagong rollback sa produktong petrolyo aasahan; LPG tataas

Sa Martes, Nobyembre 29 ay inaasahan mula sa oil companies ang malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng produktong petrolyo:

Diesel: P3.50 – P4.20 kada litro

Gasoline: P1.00 – P1.50 kada litro

Kerosene: P2.20 – P2.40 kada litro

Samantala, ang presyo ng liquefied petroleum gas o LPG ay tataas mula P2.00 – P3.00 kada litro at ito ay magsisimula sa pagpasok ng Disyembre.