Pamasahe sa eroplano magtataas sa Marso

Habang maaga pa ay pinapayuhan na ang mga pasahero na bumili ng air tickets dahil aasahan ang pagtaas ng airfare sa isang buwan.

Sa pagtaas ng pamasahe, bunsod ito ng paggalaw ng cargo at passenger fuel surcharge para sa domestic at international flights ngayong buwan mula level 6 hanggang level 7 na inaprubahan ng Civil Aeronautics Board. Ito ay sa pagtaas na rin ng presyo ng jet fuel sa buong mundo.

Asahan ang domestic fuel surcharge ay magmumula sa P217 hanggang P739 depende sa layo ng destinasyon habang ₱722.71 hanggang ₱5,373.69 naman para sa international flights.

Ang balitang ito ay may kumpirmasyon na rin ng Philippine Airlines at Cebu Pacific.