Pamana, tradisyon at husay sa tela tampok sa 16th Likhang Habi Market Fair

Ang iba’t ibang uri ng Filipiniana at iba pang kasuotang tampok sa isinasagawang 16th Likhang Habi Market Fair sa SPACE, Level 5 ng One Ayala sa Makati City na bukas hanggang sa October 11. (Kuha ni Ann Esternon)

Gaya ng taunang layunin, binuo ang Likhang Habi Market Fair para isulong ang husay ng mga Pilipino sa weaving (paglalala) o ang paglikha ng mga tela para makabuo ng mga kasuotan at iba pang mga produkto mula sa abaca, piña, jusi, inabel, at iba pa.

Sa pagsisimula ng ika-16 edisyon, sa ilalim ng temang “Worth Every Thread,” muling masisilayan ang Likhang Habi Market Fair sa SPACE, Level 5 ng One Ayala sa Makati City mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang market fair ay isang makulay na venue na kakikitaan ng mga grupo ng artisans, creators, innovators, scholars, advocates, at mga indibidwal na nagpapahalaga at nagtataguyod sa pamana, tradisyon at husay sa paglikha ng mga telang Pilipino.

“More than 100 makers, weaving communities, artisans, designers, and creative enterprises are here with us, bringing work from across the Philippines. So, when you find something you love, we encourage you to ask these questions. Who made this? Where did the fiber come from? How long did it take to make it? And what technique was used? Because once you know the story behind the piece, you begin to understand what we mean when we say, worth every thread,” ani HABI president Mia Villanueva.

 

Iba pang mga aktibidad

Sa ilalim ng temang “Worth Every Thread,” tinipon dito ang mga kaganapang magugustuhan.

TELAserye – HABI Docu Screenings ng dalawang kuwento tungkol sa produktong tela.

Exhibits – display ng mga kalahok sa Lourdes Montinola Piña Weaving at Eloisa Hizon Gomez Abaca Weaving competitions. Gayundin, tampok ang Benilde Fashion Museum at Museo Pambata.

Lectures – iba’t ibang lecture mula sa mga personalidad na may husay sa weaving industry.

Libreng pagkain – may ilang libreng pagkaing matitikman sa venue para masulit ang pag-explore ng iba’t ibang habi na obra ng mga exhibitor.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)