Palawan waging Most Desirable Island

Isla ng Palawan (DOT)

Walang patid ang Pilipinas sa paghakot ng mga parangal bilang isang in-demand na destinasyon sa paglalakbay dahil ang nangungunang destinasyon ng mga turista sa bansa na Palawan ay pinarangalan bilang isa sa Most Desirable Island sa mga pinakamahusay sa mundo sa 21st Wanderlust Travel Awards.

Ang Tourism Board ng bansa, sa pamamagitan ng Philippine Department of Tourism-Central Visayas Office ay nilagay din sa ika-6 sa daan-daang special entries sa Wanderlust Sustainability Initiative Category para sa Dive7 Program nito.

Ang mga pagkilala ay ibinigay noong Nobyembre 9 ng prestihiyosong Wanderlust travel magazine, isa sa pinakamatagal nang publications sa United Kingdom na nangunguna sa sustainable travel sa 29 taon.

Naging nominado rin ang Cebu ngayong taon bilang Most Desirable Region (Rest of the World) ng award-giving body.

“On behalf of the Department of Tourism, we thank the readers of Wanderlust Magazine for their love and support for the Philippines! These awards reflect the efforts to revive the tourism industry that are well underway especially because of the Marcos administration’s thrust towards prioritizing tourism development. Rest assured that we will continue with our mission to herald the Philippines and the Filipino brand to the world, and to ensure the continued sustainability of our islands” ani Secretary Christina Garcia Frasco.

Ito ang mababasa mismo mula sa official website ng Wanderlust Travel Awards kung saan sinabi rito na ang Pilipinas ay Most Desirable Island (Rest of the World): And for the first time Wonderlust Travel Award history, we recognized the Most Desirable Islands, with Ireland (Europe) and Philippines’ Palawan (Rest of the World) coming out of top.
Ito rin ang isa sa makikita sa official website ng Wanderlust Travel Awards kung saan ay sinasabing ang Pilipinas ay Most Desirable Island (Rest of the World): Are you ready to escape to paradise? The Philippines is an archipelago with more than 2,000 inhabited islands, yet Wanderlust readers have selected Palawan to be not just be the best in the country, but the best in the world. The scenery here is heaven on earth with sparkling waters and white sand beaches. One of the most photographed sites is Kayangan, a dazzling freshwater lake with spectacular rock formations above and below the surface. Elsewhere on the island you can explore one of the world’s longest underground rivers, enjoy a spot of twitching, or fuel up with some delicious cuisine in the island’s capital of Puerto Princesa. Take us there now!

Nanguna si Frasco sa delegasyon ng Pilipinas sa World Travel Market na ginanap sa London kamakailan.

Ang bagong parangal na ito ay dagdag sa mahabang listahan ng mga pagkilala sa bansa na natanggap kahit pa nasa gitna ng krisis dala ng COVID-19.

Noong Hunyo ngayong taon, pinangalanan din ng Conde Nast Travel (CNT) ang Pilipinas bilang bahagi ng 40 Most Beautiful Countries in the World, partikular na binanggit ang kahanga-hangang sistema ng kuweba ng Puerto Princesa Underground River, ang misteryosong kagandahan ng Chocolate Hills ng Bohol, at ang malalawak na tanawin ng Banaue at Cordilleras Rice Terraces. Nang sumunod na buwan, pinangalanan din ng kilalang Travel + Leisure magazine ang tourist magnets ng bansa na Boracay, Palawan, at Cebu na bahagi ng 25 Best Islands in the World.

Pinuri rin ng TIME Magazine ang Boracay bilang isa sa 50 World’s Greatest Places of 2022.

Noong Setyembre, nanalo muli ang Pilipinas sa nangungunang dive at beach destination sa Asia, at ang makasaysayang Walled City o Intramuros bilang nangungunang tourist attraction sa Asia sa World Travel Awards (WTA) sa Vietnam.