PAL kabahagi ng Travel Madness Expo sa SMX Convention Center

Nagpulong ang mga opisyal ng PAL at Travel innovators Inc. para sa TME 2023 deal. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa): Kit Javier, Manager, Marketing Activations; Ria Domingo, VP Marketing; Maria Paz Alberto, Vice President ng Travel innovators Inc. at Chairwoman ng 10th TRAVEL MADNESS; Issa Dimaano, AVP Passenger Sales Philippines; Bryan Sansolis, Regional Head, Philippines; at Lorraine Laborte, District Sales Manager.

Asahan ang pinakamahusay na mga rate mula lamang sa Philippine Airlines (PAL) sa gaganaping Travel Madness Expo sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 2 sa SMX Convention Center (Halls 1 hanggang 4) sa Mall of Asia Complex, Seashell Lane, Pasay City. Sa higit pang mahabang weekends na itinakda sa 2023, huwag nang palampasin pa ang pagkakataon at planuhin ang mga pagbiyahe.

Pagkatapos ng lahat, ang long weekends na ito ay nagbibigay sa mga miyembro ng pamilya, empleyado, at malalapit na kaibigan ng mas maraming pagkakataon na magpahinga, mag-recharge at magkaroon ng quality time para sa sarili o sa pamilya. Dagdag pa rito, ang long weekends ay nagbibigay ng panibagong sigla at sigasig upang maiangat ang industriya ng turismo mula sa pandemyang pagbagsak nito.

Kung mahilig kayo sa paglalakbay, magtungo sa SMX Convention Center sa Halls 1 hanggang 4 at kumuha ng pinakamahusay na mga rate mula sa pangunahing airline ng bansa, ang Philippine Airlines. Asahan ang higit pang promo at freebies sa loob ng 3-araw na event.