Pagtanggi ng mga driver sa PUV modernization isang ‘hostage-taking’ – Medina

Isinusulong man ng pamahalaan na ganap na maipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization Program, malaking bahagi ng mga jeepney driver ang patuloy na tumututol sa konsolidasyon, na naglalagay ng panganib sa kapakanan ng mga commuter sa kabuuan na katumbas ng “hostage-taking.”

Ito ang direktang pahayag ng National Center for Commuter Safety and Protection, Inc. Convenor na si Elvira Medina sa isinagawang media forum ng Capstone-Intel Corporation kaugnay sa kasalukuyang estado ng transportasyon sa bansa.

Batay sa nationwide survey ng Capstone-Intel na naglalayong alamin ang persepsyon ng publiko sa transportasyon, inihayag nito na “aprubado” ng karamihang (70%) mga Pilipino, na nagpahayag ng mga positibong sentimyento online. Nabatid din sa survey na isa pa rin sa pinakaginagamit na paraan ng transportasyon sa bansa ang jeepney.

Ang katumpakan ng survey ay suportado ni Medina dahil nauugnay ito sa pinakahuling istatiska na mahigit 70% ng jeepney ang nakapag-consolidate na habang 30% ang hindi pa.

Ang survey ay napapanahon din dahil sa ikinasang transport strike noong Disyembre 14-15 bilang pagtutol sa jeepney modernization program.

Binatikos din ni Medina ang mga hindi nakikiisa sa modernisasyon na naglalagay sa kakulangan sa ginhawa ng mga mananakay.

“What I’ve been telling the press before and even now, what these people are doing is that they are blackmailing the government and using commuters as hostages. ‘Hindi kami lalabas, kawawa ang commuters ninyo.’ Hindi ba hostage taking ‘yon?” aniya.

Bilang resulta, sinabi ni Medina na ang paghihirap ng mga mananakay ay may epekto sa ekonomiya sa pangkalahatan.

“They refuse to ply the commuters which are mostly people who are working. It’s the commuters that deliver the goods, the products and the services that are being used by the country’s economy and the people who are preparing themselves to be the next employees or generators of the economy and these are the students. So dalawang sectors ‘yung kanilang tina-target and this is definitely against the law,” aniya.

Ipinunto rin ni Medina ang isyu sa boundary system, o ang scheme na nag-eengganyo sa mga tsuper na ipasada ang mga jeepney ng mga may-ari o operators para sa nakaayos nang intrega, bagay na dapat nang matapos.

“Boundary system is an evil in the system. That is one of the things that the government wants to address – make the drivers know they are owners because they are cooperatives. Sila na ‘yung magma-may-ari in the long run but it is the cooperative’s responsibility to make sure that all their amortizations are paid,” aniya.

Lumang mga jeepney mistulang ‘rolling coffins’ 

Maliban sa isyu ng modernisasyon ng mga jeepney, nakasalalay din ang kaligtasan at seguridad ng mga mananakay na siyang binibigyang prayoridad din sa ilalim ng programa.

Sa mga luma at tradisyunal na jeepney, wala o kaunti lamang ang naibibigay nitong kaligtasan sa mga mananakay dahil sa lipas nitong disenyo at kapakinabangan.

Ayon pa kay Medina, karamihan sa mga jeepney ay sobrang luma na o mahigit nang 50 taon na malaking banta sa kaligtasan at buhay ng mga mananakay.

“None of them have handbrakes and most of the seats are not welded and the body. So I’ve been asking those who interviewed me in the press, are you going to allow your children to take a ride in a vehicle that has no handbrake or the seats are not welded. Will you take the chance?” ani Medina.

Binansagan ni Medina ang mga lumang jeepney bilang “rolling coffins. They are all putting our lives in danger,” dagdag niya.

Suportado rin ng Chief of Public Affairs ng Capstone-Intel na si Atty. Nic Conti ang isyu sa kaligtasan at naniniwala na dapat bigyang solusyon ito ng gobyerno upang mabalanse ang tradisyonal transport sa mga pamantayan ng local at international mass transport.

“Bakit po mahalaga ang kaligtasan ng pasahero? Tao po sila at sila po ang dahilan kung bakit may negosyong ganito? Part of the modernization is actually installing additional safety measures like an anti-lock braking system, speed limiter, etc.,” aniya.

“At importante po na makita natin na ‘yung modernization ay balansehin ‘yung very iconic and traditional yung way of transport natin yung jeepney parang na-identify na po ang mga Pilipino sa jeepney. Still, we have to align and upgrade our transport pagdating po sa standards hindi lang po local but international standards at that,” dagdag pa niya.