Pagtaas sa produktong petrolyo sa susunod na linggo posible

Posibleng may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Hunyo 18.

Tinatayang pagtaas ng mga presyo ng petrolyo

Diesel: P01.45 – P1.70 kada litro

Gasoline: P0.60 – P0.85 –kada litro

Kerosene: P1.85 – P1.90 – kada litro

 

Ang bagay na ito ay bunsod ng demand forecasts ng Estados Unidos at Organization of Petroleum Exporting Countries na nagkaroon ng malaking epekto sa pagpapataas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Ang pagtaas ng demand na ito ay nagpapahiwatig ng lumalaking appetite sa krudo, na nagdulot naman ng paghihigpit ng suplay at pagtaas ng mga presyo.