Pagsulong ng sining sa kabila ng kalamidad

Ang pagtatanghal ng isang grupo sa isang evacuation center sa Barangay Mangkilam.

Sa kabila ng matinding ulan at baha na dinanas ng Davao region simula noong huling linggo ng Enero hanggang sa ikalawang linggo ng Pebrero, at ang mahirap na pagsisiguro sa kaligtasan ng lahat, sumulong ang sining sa kabila ng kalamidad sa Tagum City noong Pebrero 3-6, 2024.

Mahigit sa 300 na mga artista, performing groups, production staff, at mga Kaisa sa Sining (KSS) representatives mula sa Luzon, NCR, Visayas at Mindanao ang nagbuklod-buklod upang maisagawa ang Pasinaya 2024, ang open house festival ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines).  Ang mga pagtatanghal ay inihandog para sa mga nasalanta ng baha sa apat na evacuation centers sa Barangay San Miguel, Bingkungan, Cuambogan at Mangkilam, kasama na ang Tagum City Cathedral.

Ang mga bata habang nanonood ng outreach performance ng mga batang artista sa isang evacuation center sa Barangay San Miguel.

Hindi man natuloy ang karamihan sa mga palihan at palabas sa tatlong venues – Tagum City Historical & Cultural Center, City Hall Atrium, at Meditation Center, naging mas makabuluhan ang kasiyahang naihandog para sa evacuees. Ang pangkat ng performing groups ng CCP Ugnayan sa Sining Visayas at Mindanao ay naghandog din ng kanilang orihinal na pagtatanghal ng “Hinablon: Threads of Visayan Creativity” at “Bunnal: Breaking New Grounds for Mindanao” para sa mga Davaoenos sa munisipyo ng Asuncion at Dujali, Davao de Oro noong February 6. Nagbigay inspirasyon ang iba’t ibang sining ng sayaw, musika, dula, at sining biswal kasama na ang KSS mural painting sa Tagum City flyover at nagsilbing panawagan sa mga Tagumeños, Davaoeños at publiko ang kahalagahan ng maigting na pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod sa sining at kultura.

Ang University of Mindanao Chorale habang nagtatanghal sa Tagum City Cathedral.

Isang taos pusong pasasalamat at pagpupugay ang ipinabot ng CCP para sa lahat ng mga artista at performing groups na nakiisa sa kauna-unahang regional edition ng CCP PASINAYA sa TAGUM CITY:

Ang visual artists ng Kaisa sa Sining mula sa LUZON – Marlin Lopez (Nueva Vizcaya), Brendale A. Tadeo (Zambales), Tristan Bamba (Mauban, Quezon), Carlo Dimaano (Laguna), Johnley Mayorga (Marinduque), Salvador Ching, facilitator (Bulacan), Roen Capule, facilitator (Bulacan), Jonathan Carpio, facilitator (Bulacan); VISAYAS: Lloyd Develos (Roxas City, Capiz), Brent Naranja (Murcia, Negros Occidental), Engelbert G. Ramirez (Himamaylan City), Efraim Alfaras (Iloilo City); MINDANAO: Sarsalem Malekysu (General Santos City), Xyla Sumalinog (Tagum City), Ejay Que Doronio (Tagum City), Reymart Ursabia (Tagum City), Ruben Langamen (Tagum City), Lestine Sarillana (Tagum City), Maegz Ordoña (Tagum City), Jamedith Abuan (Tagum City).

Hinahangaan ng mga bata at matatandang bisita ang pagtatanghal ng isang grupo sa isang evacuation center sa Barangay Bingkungan.

Ang performing groups mula sa LUZON – Ari Tau Folkloric Society (Nueva Vizcaya), Bataeno Lahing Magigiting Vocal Ensemble (Bataan High School for the Arts), Likhang Sining Dance Company (Batangas City), Pundaquit Virtuosi (Zambales); VISAYAS: Iloilo National High School (Iloilo City), Leyte Dance Theater (Tacloban City), Kasing Sining (Bohol), Kultura De Artes (Himamaylan City), Mandaue Children & Youth Chorus (Mandaue, Cebu); MINDANAO: AORNHS Rondalla (Maco, Davao de Oro), Kathara Dance Theater Collective (Davao City), Kaliwat Performing Arts Collective (Davao City), University of Mindanao Chorale (Davao City), RMMC Sinag Laya (General Santos City), RMMC Teatro Ambahanon (General Santos City), Mindanao Hiphop Collective (General Santos City), MSU Tambuli Cultural Dance Troupe (Tawi Tawi), MSU Sining Kambayoka Ensemble (Marawi City), MSU Sining Kandidilimudan Ensemble (Maguindanao), Mandayanayaw (Tagum City).

Binibigyang halaga rin ng CCP ang lahat ng volunteers at production-technical staff mula sa Tagum, Ozamiz, Iligan, General Santos, at Agusan del Sur.

Ang pakikihalubilo ng mga bata sa mga miyembro ng isang performing group sa Barangay Cuambogan.

Pinangasiwaan ng CCP Cultural Exchange Department (CED) katuwang ang Tagum City local government, Tourism and Cultural Office, Musikahan sa Tagum Foundation, at Tagum City Council of Women Foundation ang lahat ng mga activities para sa KSS general assembly at CCP Pasinaya sa Tagum City at mga kalapit na komunidad.