I-Corn Complex ng Ilagan City suporta sa mga mammangi

Makikita sa larawan ang isinagawang groundbreaking ceremony ng itatayong I-Corn Complex sa Barangay Marana 1st, Ilagan sa lalawigan ng Isabela na ginanap noong Agosto 7, 2023.Ito ay pinangunahan nina (mula sa kaliwa) Alkalde ng Ilagan na si Josemarie Diaz, Senador Mark Villar, at OIC Regional Dir. Rosemarie Aquino. Ang okasyon ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-11 taong Pagkalungsod ng Ilagan at Mammangi Festival.

Ang itatayong I-Corn Complex ay partikular na mapakikinabangan ng mga mammangi o mga magsasaka ng mais. Isa sa mga puwedeng gawin dito ay ang processing, research,at training facility para sa climate-resiliency.

Ang mais ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng lungsod. Katunayan, noong 2015, tinawag na “Top Corn Producing City” ang Ilagan ng Kagawaran ng Agrikultura at patuloy pang pinaninindigan ng lokal na pamahalaan ang pagkilalang ito. Hindi nila sinasayang ang taniman na may laking 17,568 ektarya kaya’t nagkakaroon sila ng produksyon ng 150,000 hanggang 170,000 metriko toneladang produksyon ng mais.