Pagpapakilala sa Apple iPhone, 16 taon na ang nakalilipas

Eksaktong 16 taon na ngayon buhat nang isapubliko ang masining na paglikha sa Apple iPhone.

Noong Enero 9, 2007 ay pormal na ipinakilala ang Apple iPhone ng dating Apple CEO na si Steve Jobs sa San Francisco, California.

“Every once in a while, a revolutionary product comes along that changes everything,” ani Jobs.

Sa lahat ng naglabasang mobile phones, naging most influential ang naturang gadget kaya hindi kataka-takang bestselling ito. Hindi matatawaran ang features nito magmula sa touch screen, powerful camera, easy access sa Internet, at iba pa.

Noong 1999, ninais ni Jobs na ang isang produkto ng Apple touchscreen na maaaring direktang makipag-ugnayan ng user gamit ang kanilang mga daliri sa halip na gumamit ng stylus. Ang stylus ay isang common tool para sa mga existing touchscreen device noong panahong iyon kabilang ang Newton ng Apple na inilunsad noong 1993. Napagpasyahan ni Jobs na ang ang device ay mangangailangan ng triple layered capacitive multi-touch touch screen, isang napakabago at advanced na teknolohiya sa panahong iyon.

“The first-generation iPhone was, in many days, quite different than the ones we see in use today. For one thing, it was small, just 4.5 inches by 2.4 inches. By comparison, the iPhone XS Max launched in 2018 is 6.2 inches by 3.05 inches,” ayon kay Steven Silver para sa Apple Insider noong 2018.

Sa tatag ng nadalang marka at kalidad, malayo na ang itinakbo ng iPhone na ang pinakahuling modelo nito ngayon ay iPhone 14, na may 6.7-inch version.

Nakabenta ang Apple ng 6.1 milyong first generation ng mga iPhone sa pagitan ng oras na inilabas nito ang produkto sa publiko noong Hunyo 29, 2007, at itinigil ito noong Hulyo 15, 2008.

Pumanaw si Jobs noong Oktubre 2011 dahil sa pancreatic cancer, pero nananatiling buhay ang kanyang kontribusyon sa teknolohiya.