Pagpapailaw sa Christmas tree sa Manila Hotel sinimulan

Naging makabuluhan ang kultura sa pagsalubong sa Kapaskuhan sa ginanap na taunang Christmas Tree Lighting Ceremony sa Manila Hotel noong Nobyembre 9.

Pormal na sinimulan at pinailawan ang 20-feet na Christmas tree na nasa temang “Paskong Sariling Atin” habang nagbigay ng awitin ang Office of the President Chorale.

Naging pagkakataon din ang okasyon upang ipaalam ng naturang hotel na napili nilang benipisyaryo ang House of Refuge para sa kanilang corporate social responsibility (CSR). Ang tulong pinansyal ay P200,000.

Ang pormal na pagpapailaw ng Christmas Tree sa Manila Hotel na pinangunahan ng mga kilalang personalidad . Ang taunang aktibidad na ito ay bilang bahagi ng pagpapatingkad sa kultura ng mga Pilipino sa Kapaskuhan kung saan kasama rito ang pagbibigay ng tulong-pinansyal ng hotel sa napili nitong benificiary na House of Refuge. (Kuha ni Leony Garcia)

Ang House of Refuge ay kumakalinga sa mga batang kalye sa pagbibigay ng tirahan at mga pangangailangan ng mga ito.

Pinangunahan ang pagpapasinaya ng okasyon nina Manila Hotel Chairman Basilio Yap, Vice Chairman Dr. Emilio Yap III, President Atty. Joey Lina, at Chief Justice Diosdado Peralta. Kabilang sa mga dumalo ay sina US Ambassador MaryKay Carlson, Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, Department of Tourism NCR Regional Director Sharlene Zabala-Batin, US Ambassador H.E. MaryKay Carlson, Nigeria Ambassador H.E. Folakemi Akinleye, and Miss Philippines Air 2023 Kerri Reilly.

Sa isinagawang Christmas Tree Lighting Ceremony sa Manila Hotel, kabilang sa mga dumalo rito ay sina (mula sa kaliwa) Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, US Ambassador MaryKay Carlson, at Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto. (Kuha ni Leony Garcia)