Paglagas ng buhok paano ba ito maiiwasan?

Nakahihiya talaga kapag numinipis ang buhok, talagang nakaaalarma ito na puwedeng ikapanot o tuluyan kayong makalbo.

May paraan ba para bumalik ito sa dati na maganda, at maging makapal?

Ang totoo, dapat malaman muna kung ano ang sanhi o mga sanhi kung bakit mo nararanasan ang pagnipis ng buhok o pagkalagas nito. Kung ikaw ay babae, baka dahil kapapanganak mo pa lamang. Maaari ring ito ay dahil sa thyroid condition. Sumangguni sa inyong doctor, kung ito ay thyroid related.

Maaaring sanhi ng paglagas ng buhok

– If you just gave birth, your pregnancy could have something to do with it. Sa pagbubuntis kasi ay maaaring maraming nutrisyon ang mawala sa katawan ng isang babae, and the first casualty is your hair. Kung healthy ang katawan, siguradong healthy din ang buhok.

– Ang stress ay maaari ring maging dahilan ng pagkalagas at pagkanipis ng buhok. Ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat bale-walain dahil iba’t iba ang dulot ng stress sa bawat tao – na maaaring mas malala kaysa sa iba.

Kapag ganito na ang nararanasan na may pagkalagas na ng buhok at parang mas lumalala ito subukan ang payong ito. Drink these supplements for your hair- folic acid, biotin, vitamin C (from citrus fruits) to help in keratin production, Vitamin A (from carrots, spinach) to help your scalp healthy. Vitamin B to prevent more hair loss, and iron for healthy blood supply.

– Maaari ring ang hair products na may ingredients na masama at naging iba ang epekto sa iyo. Kaya, limit washing hair to every other day. Try not to do too much blow drying.

Maging maingat din sa pag-e-estilo ng buhok. Stop chemical processes to your hair like hair color or rebonding. Lahat ng chemical/heat process ay nakaaapekto sa kalusugan ng buhok.

Isa pang maaaring maging solusyon sa pagkalagas ng buhok ay dahil baka sa iyong hairstyle. Cut your hair short. Thinning hair is less noticeable if you have short hairstyle.

Para makatulong, do this yogurt hair mask – 1 egg white, 2 tbsp plain yogurt, 3 tbsp mayo. Mix all to create a paste and massage in hair at takpan ng plastic hair cap. Rinse after 10 minutes.

Ang iba pang good hair mask ay tulad ng olive oil, aloe vera, and coconut milk o gata ng niyog.