Pagkaing Luzviminda sa hapag ng Provenciano

Sugbang Scallops at Pampano

Tunay na maipagmamalaki kung ang minana mo sa pamilya ay husay sa pagluluto.

Iyan ang husay na evidently na malalasap sa Provenciano restaurant sa Quezon City dahil ang nakahanda sa kanilang hapag ay mula sa mga lutuin sa Luzon, Visayas, at Mindanao – mga natatanging pagkaing Luviminda!

Binawangang Pusit

Ang restaurant ay nabuo sa masarap na inspirasyon ng owner at executive chef ng Provenciano na si Chef Hernan Christian de Jesus. Minana niya kasi ang kanyang masarap na pagluluto mula sa kanyang mga lola sa mother at father side.

Huling bahagi ng June 2015 nang magkaroon ng soft opening ang kilalang resto at simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang masarap na kuwento ng kanilang mga lutuin. Habang dumadaan ang panahon ay mas napapasarap pa ang mga ito kaya naman binabalikan ng customers – parang laging may bago!

 

Dining experience

Regional cuisines ang alok ng Provenciano resto. Dito matitikman ang mga pagkain ng Ilocos, Pampanga, Batangas, Bicol, Kalinga, Cebu, Cavite, Quezon, Laguna, Bacolod, Zamboanga, at iba pa.

Ang Sawsawan Bar ng Provenciano restaurant kung saan puwedeng gumawa ng sariling sawsawan na nababagay sa mga pagkaing mayroon sa inyong hapag.

Hindi tulad ng tipikal na restaurant na kakain na lamang para mabusog, sa pagtungtong sa Provenciano ay may chance ka para ma-explore ang venue. Busog din ang mga mata at isipan sa mga detalye ng kulturang Pinoy mula sa mga pagkain, ayos ng bahay, at iba pa. Maganda ang venue at perfect sa life celebrations.

Ang isa sa dining rooms ng Provenciano restaurant na tunay na Pinoy ang disenyo.

Mamamangha ka sa lugar dahil eleganteng dinisenyuhan ang interiors hanggang sa restrooms. Ang mga disenyo ay nakasunod sa panahon ngunit naroon pa rin ang kulturang Pinoy.

Ang restroom ng Provenciano restaurant.

 

Mga putaheng kalasap-lasap

Sa mga lutuin, espesyal at ipinagmamalaki ng Provenciano ang kanilang Curacha in Alavar sauce o ‘Curacha con salsa Alavar’ na may halong gata ng niyog at ibang spices kaya naman malasang-malasa.

Curacha in Alavar Sauce

Iba rin ang sarap ng tortang talong na aming natikman. Simpleng lutuin pero nagawang espesyal ang lasa.

Hinahanap-hanap din ang kanilang Adobo espesyal o iba’t ibang adobo tulad ng Adobong Balut, Adobong Bicolano, Adobong Kalding, Adobong Batangueño, Adobong Pusit, Adobong Manok sa Atay, Adobong Pugo, at Adobong Hito.

Mayroon din silang Sinampalukang Manok, Sinanglay na Tilapia, Ginataang Paltat (Hito), Cocidong Lapu-lapu, Pinasingaw na Isda, Sinigang sa Miso, Kare-kare, at marami pang iba.

Sa natatanging pagkain, hindi nakapagtataka na maraming kilalang personalidad na ang mga dumayo rito at na-experience ang masarap na mga putahe hanggang sa mga inumin at panghimagas. Ang tulad nila ay sina Lovi Poe, Precious Lara Quigaman, Lenie Robredo, Ping Lacson, Joey de Leon, Ging Reyes, Howie Severino, Jessica Soho, at iba pa.

Ikaw, ‘di ka pa ba sasadya sa Provenciano? ‘Lika na!

 

Escabecheng Lapu-Lapu

 

Ano pang mayroon?

Ilan lamang ito sa napakaraming pagkaing alok ng Provenciano resto…

 

Ang Tinumis o dinuguan ng norte. Karaniwang espesyal na pagkain sa Nueva Ecija, at Bulacan.

 

Inihaw

Inasal na manok

Inihaw na baboy

Sinugbang bangus

Pinaputok na tilapia

Kansi o ang Sinigang na Bulalo ng Iloilo.

 

Panghimagas

Palitaw sa latik

Guinumis

Leche flan

Sorbetes ng Bataan

Ube, halaya, macapuno at pinipig

Turon at Sikwate

Halo-halo

Palitaw sa niyog at linga

 

Ang hiwalay na lugar para makapagluto ng Pinoy kakanin na Puto Bumbong at Bibingka.

 

Merienda

Pancit puti

Arroz Caldo

Puto bumbong

Bibingka

Dinuguan at puto

 

Provenciano

110 Maginhawa Street, Teachers Village East, Diliman, Quezon City

Operating hours: Daily 10:30AM hanggang 10:00 PM (Last call: 9:00 PM)

Tel. Nos.: 922-27-36 | 944-39-95 | 4358462

Mobile Nos.: 09157214190 | 09178343444 | 09156938000

E-mail: Provenciano.resto@gmail.com