Ang pagkagutom o kagutuman ay maaaring may significant effect sa blood pressure, bagaman ang relasyon ay komplikado at naiimpluwensyahan ng iba’t ibang physiological at psychological na mga dahilan.
Kapag ang katawan ay nakararanas ng gutom, ito ay nagtri-trigger sa series ng hormonal responses na maaaring makaapekto sa cardiovascular function o galaw ng puso. Halimbawa, ang pag-release ng stress hormones tulad ng cortisol at adrenaline sa mga oras ng kawalan ng pagkain ay maaaring humantong sa pagsisikip ng mga daluyan ng dugo, at kasunod nito ay pagtaas ng blood pressure levels.
Bukod pa rito, ang mahabang oras ng kagutuman ay maaaring magresulta sa mga pagbabago sa blood sugar levels, na maaari ring mag-contribute sa mga mali o iregular na pagbabasa ng presyon ng dugo. Ang physiological changes na ito ay partikular na mahalagang isaalang-alang sa mga indibidwal na may mga dati nang kundisyon, gaya ng hypertension o diabetes, kung saan ang mga mekanismo ng regulasyon ng katawan ay maaaring nakompromiso na.
Bukod din dito, ang psychological effects ng kagutuman, kabilang ang pagtaas ng stress at pagkabalisa o anxiety, ay maaaring higit pang magpalala sa mga isyu sa blood pressure.
Kapag nariyan ang gutom, maaaring makaranas ng mas mataas na emotional responses, na maaaring humantong sa mga pag-uugali na negatibong nakakaapekto sa blood pressure, tulad ng labis na pagkain o pagkonsumo ng mga pagkaing may mataas na sodium o asin sa sandaling mayroong access muli sa pagkain.
Itong cyclical relationship sa pagitan ng gutom at blood pressure ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng regular, balanseng pagkain para sa pangkalahatang kalusugan ng puso.
Ang pag-unawa sa mga dinamikong ito ay mahalaga para sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na naglalayong magbigay ng holistic na pangangalaga para sa mga pasyente, lalo na ang mga nasa panganib para sa hypertension o iba pang nauugnay na kondisyon sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pagtugon sa pisikal at emosyonal na aspeto ng kagutuman, mas masusuportahan ng mga practitioner ang kanilang mga pasyente sa effective management ng blood pressure.

