Pageant veteran kinoronahang Miss Caloocan 2023

Si Natasha Jung ang bagong Miss Caloocan 2023 (Caloocan City Public Information Office Facebook page)

Tulad ng inaasahan ng karamihan, napanalunan ng pageant veteran na si Natasha Jung, ang Miss Caloocan 2023 title sa finals nito na ginanap noong Sabado, February 25, sa Caloocan Sports Complex, Bagumbong Caloocan City.

Bukod sa main title, napanalunan din ni Natasha ang major special awards tulad ng Miss Photogenic, Best in Swimsuit, Best in Long Gown at ilang corporate awards na mula sa pageant sponsors.

Ang mga nagsipagwagi sa Miss Caloocan 2023 kasama si Caloocan City Mayor Mayong Malapitan at Caloocan First Lady, Aubrey Malapitan (Kuha mula sa Caloocan City Public Information Office Facebook page).

Si Natasha ay dati nang sumali sa ilang malalaking national pageants tulad ng Miss World Philippines at Bb. Pilipinas kung kaya’t hindi na kataka-taka na siya ang mangibabaw sa 22 kandidata na karamihan ay wala pang karanasan sa pageant competitions.

Hinirang na runners-up sina Juliana Isabel Losito, 4th; Maria Christine Ordeviza, 3rd; Kairi Clemente, 2nd; at Patricia Kim Agapito, 1st. Mapalad namang napasama sa top 10 semifinalist ang kandidata ng Bgy. 176 Bagong Silang na si Clarisse Ann Rocabo.

Si Clarisse Ann Rocabo, na napasama sa Top 10 semifinalists habang suot ang Silver Terno ng designer na si Jo Rubio.

Isang espesyal na lupon na binubuo ng mga kilalang personalidad sa entertainment, fashion and pageantry, business at public service ang bumuo ng panel of judges na sina Mike Lim, Winnie Go, Mike Yao, Nap Magno Anthony Ramirez, Dianna Medina, ABS CBN reporter Mario Dumaual, Bb. Pilipinas Universe Maxine Medina, Konsehal L.A. Assistio, Rossell Taberna at Caloocan City First Lady at Chairperson ng Board of Judges Mrs. Aubrey Malapitan. Ang halos limang oras na mahabang  pageant event ay hosted by Nathan Gomez at beauty queen Nicole Cordovez kasama ang aktor na si Marco Gumabao na nagbigay ng entertainment number.

Ang Miss Caloocan 2023 ang main highlight ng 61st Founding Anniversary ng Caloocan City na pinamumunuan ni Hon. Mayor Ayong Malapitan

Mula sa Bilibb, congratulations sa lahat ng mga nagsipagwagi!

Maraming salamat kay Miss Shaira Peniano ng Caloocan City Public Information Office, Cultural Affairs Office, fashion designer Julius Ornum at pageant handler Jeson Bolatin sa matiwasay na coverage ng Bilibb.