Pagbubukas ng Mansion Sports Bar & Lounge, pinangunahan ni Maria Ozawa

Ang harapan ng Mansion Sports Bar & Lounge, isang high-end sports bar and restaurant na pinangangasiwaan ng Mansion Sports and Entertainment Group.

May bagong puntahan ngayon sa Makati City na nagbukas kamakailan.

Nagkaroon ng soft-launch event ang Mansion Sports Bar & Lounge kung saan naging tampok dito ang celebrity entrepreneur na si Maria Ozawa.

Si Maria Ozawa, ang celebrity entrepreneur na tampok sa soft opening ng Mansion Sports Bar & Lounge noong Disyembre 30, 2022 sa Makati City.

Ang Mansion Sports Bar & Lounge ay kauna-unahan at isang high-end sports bar and restaurant na pinangangasiwaan ng Mansion Sports and Entertainment Group (MSEG), ang bagong sports and entertainment hub sa Asya.

Sa nasabing okasyon, nagtipon-tipon ang kilalang media, influencers, popular local personalities, at DJs. Sa pangunguna nina Maria Ozawa at Chef Sean, busog sa mga pagkain at entertainment ang attendees sa kanilang continental social cuisine kasama ang exclusive tour sa bar.

Ang pool hall ng Mansion Sports Bar & Lounge sa Makati City.

Tampok din sa Mansion Sports Bar & Lounge ang isang billiards bar na itinayo sa koordinasyon ng Filipino world champion and legend na si Efren “Bata” Reyes, Jr.

Sa nasabing establishment ay ramdam ang isang relaxing and vibrant atmosphere na bagay na bagay sa kahit na sino. Available sa kanila ang wide variety of premium beers and spirits, ganoon din ang hearty selection ng classic and modern European na mga lutuin na pinaghusayan pa ni Chef Sean.

Dito kasasabikan at babalikan ang beer and billiards sa M Bar, sponsored ng Budweiser; go rin sa panonood ng favorite sports events sa gigantic TV wall sa Mansion Sports Bar o sa Tequila Bar, sponsored ng Patron; mae-experience rin ang intimate evening sa M Lounge, ang cocktail lounge sponsored ng Chivas Regal.

Ang main hall bar ng Mansion Sports Bar & Lounge sa Makati City.

Ipinagmamalaki rin ng Mansion Sports Bar & Lounge ang kanilang dalawang VIP rooms para sa exclusive and private functions. VIP room 1, ipinangalan kay Maria Ozawa at sponsored ng Martell at ang VIP room 2 na sponsored ng Royal Salute.

Hindi rin mawawala ang isang karaoke facility at iba pang uri ng entertainment na bagay bilang go-to-place for viewing parties at big celebrations. Nasa Mansion Sports Bar & Lounge ang mga popular DJs at ang kanilang famous mixes para sa mas exciting night. Sa Mansion Sports Bar & Lounge, redefined rito ang klase ng entertainment, pagkain at mga inumin na hindi lamang basta makikita sa isang tipikal na sports bar.

Ang main hall bar ng Mansion Sports Bar & Lounge.

Naging holiday gift din ng Mansion Sports Bar and Lounge ang pagbubukas nito sa public noong Disyembre 31, 2022 para sa New year countdown na sinimulan ng ika-11 ng gabi.

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa Mansion Sports website sa www.mansionsports.com

Ang reception area ng Mansion Sports Bar & Lounge.