
Ang Philippine accommodation pipeline—na kinabibilangan ng mga hotel at resort—ay binubuo ng 45,884 room keys (separate guest rooms o suites) sa 213 projects na nakatakdang buksan sa loob ng susunod na anim na taon. Ang impormasyong ito ay nakapaloob sa 2026 Philippine Accommodation Pipeline Report na inilathala ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) katuwang ang Leechiu Property Consultants (LPC).
Ang report na ito ay nagbibigay ng mga pananaw sa bilang ng projects, room keys, properties, mga inaasahang halaga ng pamumuhunan at paglikha ng trabaho, na dinisenyo upang magbigay ng impormasyon para sa mga estratehikong pagpili ng mga operator ng hotel, mga kalahok sa industriya ng turismo at mga opisyal ng gobyerno.
Ang pipeline ay kumakatawan sa P387 bilyon sa committed private investment, isang 55% na pagtaas mula sa P250 bilyon na iniulat sa 2024 edisyon, at inaasahang makalilikha ng higit sa 64,000 direktang trabaho sa mga hotel kumpara sa 57,000 posisyon na inaasahan dalawang taon na ang nakalipas.
Ang pangunahing pananaw ng report ay nakatuon sa paglihis sa pagitan ng pagpapalawak ng proyekto at pagpaparami ng room keys. Tumaas ang bilang ng mga proyekto ng 35%, mula 158 hanggang 213, habang ang bilang ng room keys ay tumaas lamang ng 14%. Sa halip na magtayo ng kaunting malalaking hotel sa mga established market, ang sektor ay nagde-develop ng mas maraming pasilidad na may mas mababang average na kapasidad sa mas malawak na hanay ng mga lokasyon kaysa sa anumang nakaraang panahon sa record.

“A lot of the hotels you’re going to see on a year-by-year basis are actually sitting further towards the further end of that 2032, but developers need to start planning early because these processes are taking, the building process and construction process and design times are taking a little bit longer than they used to. Also, you’re seeing the increase because hotels are not just an accommodation enterprise for tourism purposes,” paliwanag ni Alfred Lay, Director ng Leechiu Property Consultants, sa isang bahagi ng report nila ng PHOA kung saan magbubukas ang mga hotel sa bansa mula 2026 hanggang 2032. “They also form other greater goods and ambitions that developers might have and that includes firstly hotels are an anchor. And many developers use the hotel as an anchor to anchor their residential subdivisions perhaps, and or other enterprises they may have going on such as malls, townships, MICE facilities and the like.”
Ang pamamahagi ayon sa heograpiya ay nagpapakita ng makabuluhang pagkakaiba-iba sa mga rehiyon. Ang Luzon ay nakatuon ng 75% ng keys nito sa Luzon Economic Corridor, binibigyang-prayoridad ang pamumuhunan sa imprastruktura kaysa sa mga konsiderasyon sa turismo. Ang Visayas ay naglalagay ng 90% ng room keys sa mga destinasyong may pandaigdigang koneksyon, na binibigyang-diin ang mga luxury market segments. Ang Mindanao ay nagpapakita ng 31% pagtaas sa mga proyekto kasabay ng pagbagsak ng average na laki ng mga ari-arian, habang ang mga developer ay nakatuon sa mabilis na lumalawak na mga pangalawang lungsod kung saan ang mas maliliit na ari-arian ay tumutugma sa kasalukuyang pangangailangan ng merkado. Sa pambansang antas, 70% ng mga susunod na proyekto ay nasa mga destinasyon na may direktang access sa mga internasyonal na flight. Ang Central Visayas ang nangingibabaw sa pambansang pipeline sa dami ng room keys, na ang pagpapalawak ay nakatuon sa Mactan, Cebu City, at Panglao.
Pagdami ng accommodations kailangan
Ang pagpapalawak ng mga akomodasyon sa hotel sa isang bansa ay mahalaga sa maraming kadahilanan, partikular sa konteksto ng paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng turismo. Pero ano ba ang usaping ito para sa PHOA?
“Our members are committing capital on a scale the industry has not seen before,
and they are doing it in regions that have historically been overlooked. That is a vote
of confidence in Philippine tourism. But whenever numbers like 45,000 new room keys
are brought up, the immediate pushback from critics is always: ‘Do we really need
more hotels?’
“My response is simple: We are expanding our hotel accommodations to welcome a
wider range of international and local travelers. By building more rooms, we offer
greater flexibility and diverse options to suit different travel preferences and budgets.
Alongside this growth, we remain committed to enhancing the quality of our facilities
and services to deliver an exceptional guest experience,” ayon kay dating Tourism undersecretary Benito “Bong” Bengzon Jr., ang Executive Director ng PHOA.
Ang ulat na ito ng PHOA at LPC ay naglalayong mapabuti ang accessibility ng datos para sa sektor ng turismo sa Pilipinas. Batay ito sa edisyon ng 2024 at sa Philippine Hotel Investment Outlook Survey, at naglalaman ng mga pananaw mula sa mahigit 50 mga developer at operator ng hotel, 80 pagsusuri sa larangan, at mga talakayan kasama ang mga lider ng gobyerno at industriya, na may mga update hanggang Agosto 2026. Tanging mga property na may napatunayang detalye ng developer, bilang ng mga kuwarto, at kumpirmadong lokasyon ang nakapaloob dito.
(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)
