PAGASA: Tag-ulan na

Simula na ng tag-ulan.

Ito ang pormal na pag-anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) itong Miyerkoles.

Ang kalat-kalat na pag-ulan, madalas na pagkidlat at kulog, pagpasok ng bagyong “Aghon,” at ang naranasang habagat ang naging mga basehan upang ideklarang nakapasok na ang Pilipinas sa panahon ng tag-ulan.

“The occurrence of scattered rainshowers, frequent thunderstorms, the passage of Typhoon “Aghon”, and the Southwest Monsoon (Habagat) over the past few days have brought significant rains over the western sections of Luzon and Visayas signifies the start of the rainy season in the country,” ayon sa inilabas na pahayag ng PAGASA.

“The high chance of La Niña conditions to develop by the July-August-September period increases the likelihood of above-normal rainfall conditions in some areas of the country, especially towards the end of the year,” dagdag pa ng weather bureau.

Kaugnay nito, ipinapayo rin na maging maingat ang publiko at mga ahensya ng gobyerno ngayong panahon na may epekto ng mga pagbaha at landslide.