PAGASA: Panahon ng habagat tapos na; El Niño mas titindi

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tapos na ang panahon ng habagat na kilala ring southwest monsoon.

Sa isinagawang obserbasyon ng weather bureau sa mga nagdaang araw, nakitang nagbago na ang weather pattern sa bansa kabilang dito ang pagpapalakas ng isang high-pressure system sa buong Silangang Asya at ang pagbaba ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa pagtatapos din ng panahon ng tag-ulan at ang bansa ay lumilipat na sa panahon ng northeast monsoon o amihan na kilalang cool at tuyong panahon.

Gayunman, sinabi pa ng PAGASA na nararanasan pa rin ang matinding epekto ng El Niño na mas lalala pa sa dulong bahagi ng 2026 at unang bahagi ng 2027.