PAGASA: Panahon na ng tag-ulan

Opisyal nang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na panahon na ng tag-ulan.

Bunsod ito ng nararanasang pag-ulan sa mga nakalipas na araw at nagtatanong na rin ang mga tao kung tapos na ba talaga ang tag-init.

“This satisfies the criteria of the start of the rainy season over the western sections of Luzon and Visayas,” ayon sa PAGASA.

Ngunit may abiso rin na kahit pa may pag-ulan ay maaari pa ring makaranas ng mainit na klima dahil sa tinatawag na monsoon break.

“However, breaks in rainfall events (also known as monsoon breaks), which can last for several days or weeks may still occur,” dagdag pa ng PAGASA.

Sa mga susunod na araw, walang posibilidad na mabuo o makarating na bagyo o low pressure area (LPA) sa Philippine Area of ​​Responsibility.

Ayon pa sa weather bureau na dahil sa La Niña na ang panahon ay makararanas ang ilang bahagi ng bansa sa posibilidad na pagkakaroon ng higit pa sa normal na dami ng tubig-ulan sa mga susunod na buwan.