PAGASA: 6 na lugar nasa high heat index sa Abril 12

 

Base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), anim na lugar sa bansa ang nasa ilalim ng high heat index sa Abril 12, Biyernes.

Ang forecast ay nakaposte sa “climate – heat index” website ng state weather bureau, ganap na ika-5:00 ng hapon ng Huwebes.

 

Anim na lugar na apektado ng high heat index

– Dagupan City, Pangasinan – 44°C

– Bacnotan, La Union – 43°C

– Puerto Princesa City, Palawan – 42°C

– Aborlan, Palawan – 42°C

– Catarman, Northern Samar – 42°C

– Cotabato City  – 42°C

Sa heat index chart ng PAGASA ang anim na lugar ay nasa “effect-based classification na “danger.”

 

Ano ang heat index?

Pamilyar kayo sa heat index na sinasabi sa mga balita tungkol sa klima? Upang masuri kung gaano kainit ang pakiramdam sa iyo at sa iyong katawan, isinasaalang-alang ng heat index ang humidity bilang karagdagan sa temperatura ng kapaligiran. Kung mataas ang humidity, maaaring hindi agad maubos ang iyong pawis at mas mahirap kang magpalamig. Dapat kang maging concern sa pag-iwas kung ang heat index ay mas mataas sa 91°F (32.8°C).