Pag-aalaga sa dry at kulot na buhok

Paano ba ang tamang pag-aalaga sa dry at kulot na buhok? Bakit ba may mga kulot na dry at mahirap i-maintain?

Maraming mga kulot na buhok ay kadalasang dry. Hirap kasing makababa ang natural oil hanggang sa dulo ng buhok.

Para maiwasan ang pagka-dry ng curly hair, sundin ang ilang tips na ito:

  • Basain ang buhok gamit ang malamig o maligamgam na tubig. Siguraduhing mababasa rin ang dulo ng buhok.
  • Maglagay ng conditioner at unang lagyan ang dulong bahagi ng buhok. Mas maganda kung ang gagamitin hair product ay para sa dry or dry curly hair. Isunod ang anit. Iwasang makuskos ang bandang anit.
  • Habang nakababad pa ang conditioner, gumamit ng suklay na may malalaking ngipin at banayad na suklayin ang buhok mula sa dulo nito.
  • I-massage ang anit upang maiwasan ang unwanted oil o ang pagbuo ng dandruff na kadalasang sanhi ng dry hair
  • Banlawan ang buhok gamit ang malamig na tubig.
  • Patuyuin ang buhok gamit ang towel.
  • Maglagay ng kaunting amount ng serum mula sa dulo ng buhok pataas. Iwasang malagyan ang anit.
  • Hayaang matuyo ang buhok naturally.