Paano makokontrol ang pagkain ng marami?

May mga pagkakataon na parang hindi maipaliwanag ang gutom natin. Sabik din tayong kumain ng kung ano-ano, na minsan ay hindi na pinipili ang oras. Iba rin naman ang gana kapag may handaan siguradong loaded ang inyong katawan sa samu’t saring pagkain. Pero ang tanong: healthy ba ang mga kinain? Nasa disiplina ba kung paano natin ito kinain?

Pero bago pa mapasabak sa kainan, maigi nang magkaroon tayo ng kontrol sa sarili upang hindi naman tayo agad maglaho sa mundo.

Huwag maging rason na “Minsan lamang naman ang handaan at puwede namang kumain nang marami” para hindi malagay sa alanganin ang ating katawan at kalusugan.

Ito ang ilang tips para ma-burn o malusaw nang tama ang inyong mga kinain.

– Bago ang mismong handaan o kainan ay magkaroon ng plano sa sapat na dami ng kakainin at dapat ito ay may nutrisyon na mabuti sa inyong kalusugan. Sundin ang payo ng inyong doktor kung mayroong ibang kondisyon ang inyong kalusugan.

– Uminom ng maraming tubig. Rewind: maraming tubig – hindi soft drink o soda, hindi alcoholic drink, hindi milk tea, at iba pang may mga halo o kulay.

– Marahang kumain – mabagal at hindi tipong may contest ng paunahang maubos. Tandaan din na huwag pumatol sa ganyang uri ng hamon o ang paunahang umubos ng nakalalasing na inumin. Tandaan na hindi barrel ang katawan ninyo na parang walang masamang epektong mangyayari. May mga namatay na sa katapangang humarap sa hamon na ganyan.

Sa pag-aaral, aabutin ng mga 20 minuto para makuha ng utak ang mensahe na ang inyong mga tiyan ay puno na o busog na. Ibig sabihin, kung patuloy kayong kumakain sa loob ng 20 minuto, makakakain kayo ng higit pa sa talagang kailangan ng inyong katawan. Dahan-dahan, nguyain at i-enjoy ang inyong pagkain, at ilagay ang iyong tinidor sa pagitan ng itaas at ibabang ngipin upang maiwasan ang labis na pagkain.

Kung walang kontrol ang pagkain kapag may handaan, siguradong matatamasa ninyo ang ganitong isyu:

Ang sobrang pagkain ay maaaring maging dahilan ng heartburn sa short term at over time na puwedeng dumiretso sa unhealthy weight gain at obesity, na ayon sa American Heart Association, ay isang major risk factor para sa heart attack at heart disease.

Nasa pag-aaral din na kapag may handaan gaya ng holiday season peak, maraming cardiac-related hospital admission ang nagaganap – nagti-trigger dito ang sobrang pagkain. Ito ay dahil ang sobrang katakawan ay nagbibigay ng stress sa katawan. Maaaring mangyari ito sa kahit na sino at anuman ang edad.

– Bago ang pagpunta sa kainan o kahit nasa harap na ng hapag ay piliin na lamang kainin ang mga prutas. Iwasan ang mga pasta lalo na ang maraming karne nito, bawasan ang kanin, pizza na maalat at maraming preservatives, desserts na tadtad ng asukal. Hindi naman natin sinasabi na “huwag na lamang kumain”… ang tama lamang na isaisip ay “huwag namang pumanaw” dahil lamang sa sinunod ninyo ang gusto ninyo kaysa ibigay lamang sa katawan ang nararapat na kainin.

– Magpokus sa pakikipag-usap habang nasa handaan. Gawing literal ang “napapasarap ang usapan” at hindi ang “napapasarap ang kainan at inuman”. Kung hindi pa rin maawat ang pagkain ng sobra, magdala ng healthy crackers at tubig para iyan lamang ang pagkakaabalahan ng inyong sikmura.

– Mas mainam na kumuha na lamang ng maliit na plato o lagayan ng pagkain na dapat ninyo lamang ubusin. Ang efficacy ng technique na ito ay nasa inyo pa ring desisyon. Tandaan na hindi porke libre ang mga pagkain sa hapag ay sisibain na ito at kalilimutan ninyo nang mabuhay after ng handaan.

– Maliban sa prutas, mas mainam kumain ng gulay at bawasan ang kanin o huwag nang kumain ng kanin.

– Sumayaw sa party – na walang hawak na pagkain o inumin – upang magkaroon agad ng workout ang katawan.