Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng large pores?

Marami sa atin ang concern sa pagkakaroon ng large pores.

Ang pagkakaroon nito ay dahil sa iba’t ibang factor tulad ng nasa lahi o genetic, environment stress, sobrang oil production ng balat, at bahagi ng pagtanda na nagiging daan sa pagkawala ng elasticity ng balat.

May mga taong prone sa large pores habang ang iba ay talagang maganda ang skin. Ang pagkakaroon din ng large pores ay nakadepende sa skin type natin at kung gaano karaming oil ang nailababas nito. Nakadepende rin ito kung paano natin inaalagaan ang ating balat at kalusugan sa pangkalahatan.

 

Paano maiiwasan ang large pores?

  1. Regular na maglinis ng mukha gamit ang product/s na bagay sa inyong skin type. Ito ay para matanggal ang excess oil, at dumi na nakababara sa pores. Mas mainam na magpakonsulta sa dermatologist para magbigay lamang siya ng mild products para sa inyong skincare routine.
  2. Ang pagkakaroon din ng balanced diet na mayaman sa antioxidants, vitamins at minerals ay malaking bagay para sa skin health.
  3. Ang pag-inom ng tubig nang regular ay malaking bagay din para hydrated ang skin.
  4. Iwasan ang paninigarilyo o malantad sa usok nito at pag-expose sa araw. Nakasisira ang sikat ng araw sa collagen at elasticity tissue na structural support ng ating skin.
  5. Gumamit ng serum na may ingredients tulad ng retinol, salicylic acid, niacinamide (10 to 20%), azelaic acid, at alpha or beta-hydroxy acids.
  6. Kung may budget ay maaaring chemical peels, microdermabrasion, o laser therapy na makakapag-provide ng mas advanced solutions para ma-minimize ang pores.